Chapter 14

650 30 14
                                    

Christmas break felt dragging.

Umuwi kami sa España so we can celebrate Christmas there at para makapagpahinga. Ever since we returned, palagi akong lumalabas sa bahay dahil hindi ako mapalagay sa loob.

Just sucks that I have to go out alone kasi walang Jordi na basta-basta kong nahihila para samahan ako. Minsa'y sinasamahan naman ako ni Ate kaya nga lang ay hindi kami nagtatagal kasi nag-aaya na siyang umuwi.

While at the moment, I thought it felt endless. The days leading up to our return to the Philippines. Pero pagbalik naman nami'y bumilis ang takbo ng panahon.

So here I was now, sneaking into the GDL residence with candles, party streamers, and balloons on both hands kasi birthday na ni Jordi ngayon.

Batay sa text niya kanina'y nasa training na raw siya ngayon kaya nandito ako. May laro pa kasi sila bukas kaya kahit birthday niya'y kailangan niya pa ring dumalo.

Aayusin ko lang naman ang pagkakalagay ng mga ito sa kwarto niya before I'll go to training. Buti nga't pumayag si Manang na siya na lang ang magdadala sa cake sa bahay nila mamaya just before we could go home.

I was grinning to myself habang sinasabit ko ang mga streamers sa kung saan saan. Unlike some of my teammates, hindi kasi ako ganoon kagaling when it comes to art. I'm not even sure kung bagay ba ang colors na ginamit ko.

Habang iniisip ko ang mangyayari mamaya'y nae-excite na rin ako.

Pinagbutihan ko ang training para hindi ako ma-one man which in turn would reduce my physical exhaustion just in case I need to tackle him down kung hindi pa pala naipaaok ni Manang ang cake.

My teammates were giving me weird looks dahil sa pagmamadali ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin at umuna na sa elevator pababa ng Razon.

I ran through my plan once again habang hinihintay kong bumukas ang elevator. Pupunta akong UPIS para sunduin siya sa training tapos sabay na kami patungo sa bahay nila. Nevermind that he told me before na wala naman daw siyang planong i-celebrate ang kaarawan niya because I had a better plan in mine.

Labis ang gulat na naramdaman ko nang makitang naka-abang sa labas ng Razon si Jordi. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba dapat may training pa sila?

The question on my face was answered by a wide grin from him when he noticed that I was there already. I was standing at the top of the stairs habang siya nama'y nakasandal sa may baba.

He waved back at the person he was talking to, showing me a glimpse of the Jordi who seemed like he was running for a position. Nang nakaalis na ang kausap ay doon pa siya lumapit sa akin.

"Anong sasabihin?" nakangisi niyang sinabi at itinaas baba pa ang kilay, obviously fishing for my greeting.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

He feigned a look of disappointment. "Sabihin mo lang, 'Happy birthday, Jordi!'" pangungulit niya sa tonong 'Salamat Shopee'.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mailing dahil sa sinabi niya. Ewan ko na lang talaga sa lalaking 'to. Akmang hahakbang na ako pababa nang umakbay siya upang mapigilan ako.

"Nakakatampo ka," aniya.

Magsasalita na sana ako nang magtagpo ang tingin namin ni Francis. Dumadaan lang naman siya tulad ng palagi kong napapansin pagkatapos ng training, pero this time ay tumigil siya at talagang tinitigan ako.

We haven't really talked that much ever since our 'breakup'. Kung nagkakausap ma'y dahil lang may kasama kaming mutual friends at nagiging awkward kapag hindi kami nagpapansinan.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now