Chapter 22

581 23 0
                                    

"Ky, let's go?"

I stared at Jordi's text on my phone before looking up to Patrice, isa sa mga teammates ko. Bumaling siya sa iba pa naming mga kasamang nakapaligid na kay Coach.

Mahina akong bumuntong hininga bago binura ang mensaheng ire-reply na sana. Mabilis kong itinipa ang bagong reply at nang ma-send na'y agad na pinatay ang phone.

Jordi:
can i call?

You:
love  u

Patrice and I quickly jogged towards where everyone was at nang makompleto na kami'y binalot na nang katahimikan para sa paunang mga salita ni Coach.

College was far from everything that I expected last year. Noon kasi, hindi pa ganoon ka-hectic ang schedule ko. May panahon pa akong magpahinga at makipagkwentuhan kay Jordi.

But this time? Halos hindi na kami nagkakausap.

I was only ever free at lunch and after training but it still didn't mean I could talk to him then dahil sa time difference.

At lunch, yun din ang simula ng training nila Jordi. Kapag magta-training na rin kami'y late na rin sa kanila and as an athlete myself, I know how much having a stable sleeping schedule can affect your performance.

Ever since I started going to a University here in Madrid, I found myself a part-time job. Naisip ko kasing si Ate rin naman ang magmamamana sa kompanya kaya mas mainam na habang maaga pa'y may konti na akong maiipon. A part time job was a solution I came up with while investing on our own company was another.

Dagdag pa sa mga ginagawa ko ang pagpapatakbo ng organization and my schedule was fully-packed. Halos hindi na nga ako makauwi sa Barcelona kahit pa tuwing weekends.

I only ever have the chance to sleep and do my responsibilities. I rarely have anything in between.

But the thing is, ayoko namang i-give up ang kahit ano sa mga responsibilidad na iyon. I loved being busy. Downside nga lang ang limitadong panahon namin ni Jordi.

We then proceeded to doing our regular sequence when it comes to training. Sumama na ako kay Patrice para masimulan ang conditioning.

Pagod na pagod ako pagkatapos ng training. I waved goodbye to my teammates kasi sa ibang direksiyon ang condo ko sa tinutuluyan nila.

I released a breath when silence greeted me after opening my condo's doors. Kahit paano'y nahirapan rin akong mag-adjust sa buhay na mag-isa. There was a stark difference between going home knowing that there are people expecting you and going home to no one.

I cleaned my condo a bit before I prepared myself so I could go to bed. Habang sinusuklayan ko ang aking buhok ay naisipan kong i-check muna ang phone.

As if on cue, pumasok ang tawag ni Jordi. Bumaling ako sa orasan, mag-aalas kwatro na sa umaga sa kanila ah? Nakakunot ang aking noo habang sinasagot ang tawag niya. He shouldn't be awake at this hour, ilang beses ko nang nabanggit to.

Jordi was wrapped in a robe, may mug na marahil ay may lamang kape na iniinom habang naglalakad siya palapit sa camera.

"Hey, how was your day?" Kahit pinipilit niyang itago'y kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. He looked away from the camera as he tried to suppress a yawn at nang matapos ay nginitian ako.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now