Chapter 33

540 25 0
                                    

"Will you be okay?"

I gave Ate Mica a look habang tinutulak ko siya palabas papunta sa kung saan naghihintay sina Juan.

"I'll be fine. Wag kang mag-alala." Sabay na napalingon sina Jordi at Juan sa aming dalawa nang makalabas na kami. Binubuksan pa ni Juan ang gate habang si Jordi nama'y nililibang si Jaxon para hindi ito umiyak.

"It's very insensitive, pasensiya ka na talaga. I'll talk to Juan about this," ani Ate.

Hindi ko na nagawang sabihin sa kanyang hindi na kailangan dahil nakalapit na kami sa sasakyan. I mean yes, maybe it was a bit insensitive but if I were in his position then I would've trusted our kids to the two people we trust the most. Bahagyang lumuhod si Ate as she kissed Joaquin's cheek bago lumapit kay Jaxon.

"Enjoy!" I said nang nakapasok na si Ate sa sasakyan. Juan was already leaving the house kaya sumunod kami palabas. "Babaeng pamangkin na naman this time!"

Malakas na humalakhak si Juan habang si Ate nama'y nakatingin sa labas ng bintana niya, ang pisngi'y bahagyang namumula.

"Sisikapin namin, Ky!" ani Juan then he waved for the last time before he drove off.

Nang tuluyan nang nawala ang sasakyan sa paningin nami'y bumaling na ako sa kanila. Siguro nga'y mainam na ring nandito siya because I was on the verge of passing out. I could use a few more hours of sleep.

"Tita..."Jaxon called from Jordi's arms.

Umalis na si Joaquin mula sa gilid ko't pumasok na sa bahay kaya lumapit ako sa kanila.

"Tita needs sleep. Be a good boy for Tito, okay?" I said softly at mahinang napangiti nang tumango-tango siya. Sinalubong ko ang tingin ni Jordi, "Una na muna ako."

Dumiretso ako sa kwartong tinutulugan ko sa tuwing nandito ako. The consecutive sleepless nights I've had in the previous days caught up to me at madali akong nakatulog.

I dreamed of Jordi. Sa panaginip ko'y galit na galit siya sa akin, sinusumbatan ako dahil sa kakulangan ko noon - for not telling him about how I approved of Amarissa at kung paano ko sinira ang buhay niya for standing between him and the woman he loved the most.

Nagising ako dahil sa boses niya sa labas ng kwarto ko. I was too overwhelmed with relief to even process what he was saying.

Nanatili akong nakahiga, nakatitig sa kisame habang humihinga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Sa kabila ng malamig na aircon ay tumutulo pa rin ang malalaking butil ng pawis ko.

"Joaquin! Come back here! Hayaan mo ang Tita mong magpahinga!" Jordi was saying when my mind finally cleared.

Masama ang pakiramdam ko. As though I just awoke pero tila pagod na pagod pa rin ang aking katawan.

Pagod kong itinaas ang ulo so I could peer at the door's direction. "Joaquin!" Jordi called. I heard shuffling followed by heavy footfalls before my door opened in a click.

"Tita?" tanong ni Joaquin.

I smiled at him gently just as Jordi appeared behind him. "Ginising mo tuloy siya," aniya't akmang kakargahin na palayo si Joaquin nang pinigilan ko.

I don't think I can return to sleeping after that dream.

"Ayos lang," I said. "Baby, come here."

Joaquin gladly ran to my bed. Kinailangan ko pa ngang gabayan siya pa-akyat dahil hindi niya pa abot ang mataas na kama. Hinila ko ang sarili paupo so I could talk to Joaquin properly.

Napatingin ako kay Jordi, nakatayo pa rin at nakatitig malapit sa pinto. He was staring at me again with that weird uncertainty. Kahit papaano'y masasabi kong gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now