Chapter 38

641 21 4
                                    

In a shaky voice, Sheila said, "Jordi?"

"Sheila," ani Jordi. "Ikaw pala."

Ngayong nagkita na naman sila'y malawak ko na lamang na binuksan ang pinto para makapasok siya. My gaze remained downturned habang pumapasok kami.

Dumiretso ako sa kusina upang mabigyan siya ng inumin as she settled down in the living room. Nang sumunod si Jordi'y sinalubong niya ang aking tingin.

As though reading my mind, bumaling siya sa direksiyon ni Sheila but he didn't say anything, acknowledging my decision not to put it into words.

Alam niyang mahirap para sa aking magduda sa kaibigan. Could she really do it? Ang mga sinabi niya kanina'y nakadagdag sa pagdududa ko.

"Naghapunan ka na?" he asked instead habang binubuksan niya ang freezer ko.

"Wala akong ganang kumain..." naiilang kong wika.

He gave me a disapproving look kaya nagkibit-balikat ako.

"I'll call for takeouts. Anong gusto mo?"

Nang makuha na niya ang cold compress mula sa freezer ay isinara na niya iyon bago siya lumapit sa akin. Walang pasabing ipinatong niya ang cold compress sa balikat ko, the coldness taking me by surprise kaya napaigtad ako.

"Ano ba! Malamig!"

He chuckled. "It's called cold compress for a reason, love."

Palagi naman akong tinatawag ng kung ano-ano ni Fergus kaya inakala kong immune na ako sa mga tawag na iyan, pero bakit parang sasabog ang puso ko ngayong mula na iyon kay Jordi?

Kung humupa man ang pamumula ng aking mukha kanina dahil sa muntikan nang nangyari, ngayo'y bumalik naman. Mas lalo lamang siyang naaaliw sa nakikita kaya inagaw ko na lamang ang cold compress at nilagpasan siya.

"Kahit anong fast food na lang," mahina kong ani bago siya iniwan sa kusina.

Mahinang nagpasalamat si Sheila nang inabot ko ang tubig. I sat down on the opposite sofa, hinihintay na magsalita siya so I could confront her about what was bothering me.

Sabay kaming napalingon kay Jordi nang lumabas siya sa kusina.

"Kumain ka na ba? Jordi's ordering takeouts, anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.

She only smiled at me timidly as she rubbed her stomach. "It's okay, busog na naman ako."

Dahil doo'y nabalik ang aming atensyon kay Jordi, who took the towel I used to dry my hair na nakapatong sa taas ng sofa ko't umalis na para siguro ituyo ang towel. A whole minute passed at hindi na siya bumalik kaya bumaling na ako kay Sheila.

She cleared her throat. "Alam kong late na ang sorry ko but a lot has been happening to me in the previous months. Matagal ko nang gustong humingi ng patawad sa inasal ko, but there have been...limitations," she paused. "I'm sorry, Kyla. I shouldn't have...forced you to Jordi."

Rinig na rinig ang hesitasyon niya sa salitang iyon. Marahil ay nagtataka gayong magkasama na naman kami ngayon

"And then I heard about what happened earlier. Mali man ang ginawa mo'y hindi naman ata makatarungang pisikal ka nilang saktan. Not when Jordi doesn't even seem to mind," naiiling niyang sinabi. "I have connections in the tabloid that started this, I'll try my best to convince them to take it down. Hindi ko lang mawari kung paano nila iyon nalaman when I only found out recently."

Kung nalilito ako kanina'y mas lalo akong nalito ngayon. She sounded so innocent and it made me feel guilty that I ever doubted her. That her minor lapse in judgment based on technically valid premises was used against her dahil lang inisip kong pinagpipilitan niya ako sa taong magkakaroon na ng pamilya.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now