Chapter 23

544 17 0
                                    

Nagawa naming pag-usapan ang lahat ng mga dapat na ituwid sa pagitan naming dalawa. We managed to agree on how we were gonna make it work. I also managed to convince him against unknowingly destroying himself para lamang sa akin.

Mabilis na lumipas ang mga araw. His UAAP Season and mine finished at the same time. Kaya kahit gugustuhin nami'y hindi namin magawang bisitahin ang isa't-isa para makatingin ng laro live.

Nagawa niya ring kumbinsihin si Mom at ang kanyang mga magulang na sabay kaming magpapasko at magdiriwang ng New Year sa Madrid.

It was the first time that I didn't spend both events with my family kaya naman labis ang pag-aalala ko nang sumapit na nga ang mga araw na iyon.

"Sigurado ka bang ayos lang kina Tita Anna 'to?" I asked him for the nth time today.

Handa na ang pagkain namin and we were only waiting for time to pass para makapag-celebrate.

Natigilan si Jordi sa pag-aayos sa suot niyang dress shirt. Kahit kaming dalawa lang kasi ang magkasama'y pormal pa rin ang susuotin namin so we can take good pictures.

After all, this was the first time we were spending Christmas together without our family's preening eyes.

Lumapit siya sa akin. Maingat niyang kinuha ang hikaw na sinusubukan kong ikabit bago niya ako pinaharap sa kanya.

Siya na ang naglagay ng hikaw sa aking tenga at pagkatapos ay sinalubong ang aking tingin. His eyes regarded me softly. Contentment leaked through his eyes. Ramdam ko ang panlalambot ng aking puso.

"Stop worrying about it..." aniya.

Dahil doo'y napanguso ako. "Hindi ba sila magtataka? Baka ang ending niyan, ako pa ang mapapagalitan ng mga kapatid mo kasi pinatulan kita. It's still more than a year before you turn 21."

Mahina siyang humalakhak bago pinisil ang magkabila kong pisngi. I swatted his hand away before I raised an eyebrow.

"Pumayag na sila. Pumayag na rin sina Tita," he enunciated slowly for the nth time tonight na tila may batang tinuturuan. Sa bawat tanong kong may kaugnay roon ay palaging iyon ang sinasagot niya.

In the months that passed, I've come to realize how important his family's approval is. Ayoko namang ang ending ay mapipilitan siyang pumili. Although that seems farfetched considering how supportive Tita Anna has been.

"Dito rin naman ang punta natin diba? We're still gonna end up spending Christmas away from our family in a few years from now. Isipin mo na lang na warm-up 'to."

Mahina akong napangiti sa sinabi niya. It was a nice thought to have matapos ang lahat ng hindi pagkakaintindihan namin sa taong ito.

Automatiko kong ipinikit ang aking mga mata nang naramdaman ko ang halik niya sa aking noo. I cherished the moment as much as I could—tucking it in that corner of my heart specially reserved for him.

Things were going smoothly. Naging saksi ako sa kasabihang mas madaling lumilipas ang panahon kapag masaya ka.

Jordi and I managed to make things work out. We managed to set aside our differences to make us work.

On Jordi's 20th birthday, nalaman kong may sinimulan na rawng early morning trainings sa kanila kaya ngayo'y nagagawa na naming magkausap right after I return from training.

Labis ang saya namin nang dumating na ang end ng sem.

This time, we traveled to Italy for summer. A thing that Ate Mica wasn't that happy about kasi plano niya palang dalhin rin ako sa Italy that summer kaso naunahan siya ni Jordi na mag-aya.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now