Chapter 11

641 23 4
                                    

We were on our second food stall. Sinigurado naming sakto lang ang makakain sa bawat food stall para malaki-laki ang maco-cover namin ngayong gabi.

I took another bite of the kwek kwek bago uminom ng panulak. Nilingon ko si Jordi nang hindi siya kumibo.

Iyon pala'y busy rin siya sa pagkain.

He looked ridiculously adorable with my sling bag slung around his neck and shoulder. Hindi kasi ako makakain nang maayos kanina kasi pakiramdam ko'y mag bigla na lang na manghahablot. When he noticed this, he offered to bring it for me.

Kaya nang may tumawag ay siya ang unang nakapansin.

"Your phone's ringing."

His hands were full kaya ako na ang lumapit para kunin ang phone mula sa bag. At the corner of my eye, I could see him glance at my phone before he looked somewhere else.

I stared at Francis's name again, nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba o hindi. Jordi glanced at my phone again kaya sinagot ko na at hindi na lumayo pa. Baka kainin pa ni Jordi ang parte ko.

"Hello?"

"Where are you? The food's being served already," ani Francis, sa likod niya'y dinig ang tawanan ng kanyang mga kaibigan.

"I uhm..." I started nervously, I felt like I was caught red handed. "May emergency kasi, hindi ako makababalik sa resto. Maybe next time?"

Francis gave a disappointed sigh. "Sure, I'll call you back later." And with that he dropped the call.

Ilang segundo pa akong natulala, iniisip kung tama ba ang ginawa ko. I mean, sure, pumunta nga ako dito dahil akala ko'y may emergency but I can't hold Jordi liable for every decision I made after that.

Pinili kong sumama sa kanya kesa kay Francis ngayong gabi and I lied to justify my reason para hindi ako magmukhang masama at arte kay Francis.

"Di ka na kakain niyan?" tanong ko kay Jordi nang napansing tulad ko'y nakatulala rin siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa tinutukoy kong kwek kwek bago iyon inilayo sakin.

"Wag kang patay gutom, may laman pa yung sa'yo o," he casually said before he manuevered his hips so I could access my bag easily.

Nakangiti akong napailing habang pinapasok ang phone sa bag. Now that I thought of it, hindi pa nga kami nagkausap ni Jordi tungkol kay Francis magmula nung humingi ako ng tulong sa kanya.

I only told him about our relationship right now—whatever it is pero kahit kailanma'y wala siyang sinabi tungkol doon.

Akala ko'y magpapatukoy ang ginagawa niyang hindi pagbanggit kay Francis nang nagsalita siya sa ika-apat namin na stop.

"You were with Francis?"

Nakaupo kami sa isang gilid habang may kinakandong na maliit na bucket ng chicken wings. I gave him a sidelong look, tinitimbang ang sasabihin, before I replied, "Oo, opening kasi ng resto ng pinsan niya."

Tumango-tango siya. I could imagine the gears of his brain work habang nag-iisip siya. He seems to be putting more thought into this than I was.

"At pinili mong sumama dito?"

He gestured towards the place. Smoke filled the air, nagkahalo-halo ang boses ng mga tao't maingay rin ang mga dumadaan na sasakyan. He seems to be comparing this scene to the more serene one in the resto.

"Yep."

Siguro nga mas magulo ang pinili ko but it was the thrill of it that I loved. Ibinaba ko ang huling chicken wing sa bucket ko after I finished eating it. I glanced at Jordi when he seemed to go silent.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now