Epilogue

1.2K 36 3
                                    

"Jordi! Nag-mano ka na ba kina Tita Florence mo?"

Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdan ng pamilyang Hernandez at napalingon sa kinaroroonan nina Mom.

My siblings were still standing behind Mom and Dad habang ang mag-asawang Hernandez nama'y nakatingin na sa akin.

I grinned at them cheekily before I retraced my steps back to them.

"Magandang umaga po," bati ko sa kina Tita Florence bago nag-mano.

Tita didn't look offended, she looked glad even.

"Ang tangkad mo na, Jordi!" Tita exclaimed at tinapik-tapik pa ang aking pisngi.

I awkwardly chuckled as I scratched my nape. "Ah oo nga po, Tita," sabi ko na lamang.

Ano ba naman kasi ang dapat sabihin sa sinabi niyang iyon?

"O siya, I won't hold you back anymore," ani Tita. Agad akong bumalik sa kanilang hagdan para akyatin ang kwarto ni Kyla subalit natigilan lamang nang tinawag ako ulit ni Tita.

"Po?"

"Nasa pool si Kyla," aniya't binigyan ako ng makabuluhang ngiti.

My brows furrowed a bit in wonder. Ano kaya ang ibig sabihin ng ngiting iyon?

Masyado akong nasabik na mapuntahan si Kyla't napagdesisyunan na wag na lamang isipin pa iyon.

I whispered a quick word of gratitude bago ko sila iniwan sa tanggapan as though the whole place was my house.

Behind me, rinig ko ang pagkwento ni Mom, "I almost couldn't convince him last night na matulog na muna bago kami pumunta dito."

I felt my cheeks redden lalo na nang natawa ang mag-asawang Hernandez. I mean, it was true though.

Pagdating ko sa likod ay naroon nga si Kyla.

Kumpara noo'y mas malusog na siyang tingnan na mas lalong na-depina dahil sa suot niyang puting spaghetti-strapped top at dolphin shorts. Ang kanyang binti'y nakalublob sa tubig at mukhang malalim ang iniisip.

I couldn't stop myself from staring at her side profile, naninibago dahil sa buhok niyang hanggang sa balikat na lamang. Hindi ko alam kung ano ang mas bagay sa kanya.

On second thoughts, bagay naman siguro sa kanya ang lahat.

Itinago ko ang ngiting kanina pa pala nakapaskil sa aking mukha. Baka isipin niyang tuluyan na akong nasiraan ng bait kasi kung tatanungin niya ako kung bakit ako nakangiti'y hindi ko rin alam ang dahilan.

Would it suffice to say that I was just happy to see her?

As though noticing my gaze, lumingon si Kyla sa akin. Hindi man lang siya nagulat nang nakitang naroon na ako, bagkus ay itinaas niya ang isang kilay na tila hinihintay akong lumapit.

In my attempt to hide my smile, I smirked.

A flash of annoyance clouded her eyes. Hindi ko na napigilan ang mahinang pagtawa.

Cute.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi nakalagpas sa aking pansin ang pag-iwas niya ng tingin nang magkadikit ang aming braso.

Her neatly arched brows furrowed bago siya umusog palayo. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang ngiti.

Hobby ko na ata ang inisin siya.

Tulad niya'y umusog rin ako palapit, our arms touching once again. She moved once again only for me to follow. On the third time, isang dipa na ang inilayo niya sa akin.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now