Chapter 5

840 22 0
                                    

"Any plans today?"

Sabay kaming lumabas ni Sheila mula sa last class namin sa araw na 'to.

Sheila's been one of my close friends here at school. Tulad ko'y athlete rin siya at bahagi ng Girls' Basketball Team kaya nagkakaintindihan kami when it comes to balancing our own schedules.

Nang maalalang wala namang training ngayon ay umiling lamang ako.

"Sama tayo UPIS?" aya niya na agad ko namang tinanguan.

Barkada niya kasi sina Collin at Sean kaya ilang beses niya na rin akong inaayang gumala roon pero ngayon lang rin ako nakapayag dahil ngayon lang sumaktong walang training.

This was going to be my first time to go there kaya ayos na ring may kasama akong pamilyar sa lugar at hindi ganoon ka mahiyain.

I've actually been meaning to go to UPIS for a while now too, kasi nga medyo nangako ako kay Jordi na bibisita ako noon. Marami-rami na rin akong kailangang ikwento sa kanya mula nung ibinigay niya ang number ni Francis sa akin.

Nagkita kami sa isang isawan malapit sa SG at dahil hapon na ngayo'y marami-rami na rin ang tumatambay doon at halos lahat siguro ng mga benches ay okupado.

My lips automatically stretched into a grin when I spotted Jordi with the group. Hindi ko kasi sinabing pupunt ako at umasa lang na kasama siya nina Collin.

"Libre mo'ko?" I asked casually habang kinakagatan ang stick na hawak niya. Lumipas ang tatlong segundo bago siya nakabawi sa gulat.

"Buhay ka pa pala?"

Mahina akong natawa sa sinabi niya't bumaling na lamang sa nagtitinda para makabili na. Sheila was already with Collin at halos ipagsigawan na nila ang pinag-uusapan dahil sa lakas ng boses.

The three started walking so we followed, staying behind so we could hear each other.

"How's training?" tanong ko as we walked on the pavement. Marami-rami na rin ang nagjo-jogging kaya medyo naguilty ako nang mapatingin sa isaw na kinakain.

"Hell," buntong hininga niya. Next month na kasi ang start ng season nila kaya ganoon. Milagro nga't wala silang training ngayon.

"You know, you look taller," ani ko. Ang totoo'y alam ko namang hindi siya tumangkad. The level of my eyes that I had to maintain to meet his was still the same. Gusto ko lang talagang dahan-dahanin para hindi halatanh excited akong magkwento.

He gave me a side-eyed look bago ibinalik ang tingin sa tatlong sinusundan namin. "You can launch into your story without trying to make me feel good, by the way."

Nang hindi ako nagsalita'y bumaling siga sa akin. My lips were still pursed as I tried to hide my excited smile pero nang tinaasan niya ako ng kilay ay binitawan ko na ang ngiti at sinimulan ang pagkwekwento.

He swerved us away from the group at dahil nasa likod nga kami'y hindi nila napansing lumayo na pala kami sa grupo. We had no choice but to sit on the grass kasi puno nga ang mga bench sa malapit.

After the time I had his number, ilang araw pa rin ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob na i-text siya and I was so happy when I finally decided to do so.

Magmula noo'y palagi na kaming nagte-text ni Francis at minsan ay sabay pa kaming kumakain sa Agno kapag sumasaktong hindi kami busy.

"Tapos ano rin! Our conversation went to our dreams so I told him mine! You know? The stuff I told you about, noon? Tapos ang sabi niya..." I trailed off at unti-unting tumigil ang daliri ko sa pagscro-scroll ng messages in an attempt to relieve every moment nang mabasa ang ni-reply niya noon.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now