Chapter 20

780 25 7
                                    

"What do you think of France?"

Ilang beses akong kumurap-kurap at mahina pang sinampal ang magkabilang pisngi para siguraduhing hindi ako nananaginip.

"You're kidding," I finally managed to say.

Muling bumalik sa mga papeles ang atensyon ko at nang napansin niya iyo'y agad siyang nagsalita.

"Ayaw mong pumunta sa party mamaya hindi ba?"

I nodded.

"Figured I could take you to Marseille today. I'll get you home by midnight. Nagpaalam na naman ako kay Tito at kay Mom so they could authorize our travel as minors." As if an afterthought, he added, "Tayong apat lang ang nakakaalam, tinakasan ko si Juan so he won't have to babysit us in Marseille."

The moon casted a soft glow in the atmosphere which made the place feel more dreamy. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalong lumalaki ang saya na namumuo sa aking puso.

I was at the brink of explosion and I wasn't about to let that go.

"Magbibihis lang ako," I grinned before dashing into my room to look for clothes.

Nakatayo lamang si Jordi sa balcony nang muli ko siyang sinamahan pagkatapos kong magbihis. I only brought a purse with me kasi hindi ko naman alam kung anong plano ni Jordi pagdating namin sa Marseille.

I held on the edge of the rails bago ko unti-unting hinila ang sarili paakyat. Nakaupo na ako sa harang ng balcony ko nang pinigilan niya ako.

"Anong ginagawa mo?" He pulled me back to the center of the balcony na mas lalo kong ikinalito.

"Aalis na tayo diba?" I asked.

Mahina siyang humalakhak habang inaayos ang iilang hibla ng buhok kong nagulo. Hindi pa nga pala ako nakakasuklay.

"It's been a while since I saw you this excited," he said wistfully.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha nang makilala ang kakaibang kinang sa aming mga mata.

It was contentment.

"Kaya umalis na tayo bago pa tayo maabutan ni Mom." Hinila ko siya pabalik sa dulo ng balcony pero nagmatigas siya.

"Hindi tayo dadaan diyan." Ngumuso siya sa direksiyon ng pinto't umuna na papasok sa aking kwarto.

He easily crossed the room towards my door in a few steps dahil sa haba ng binti niya at nagawa pang kumuha ng suklay sa side table ko.

"Akala ko ba doon ka dumaan kasi mas kaunti lang ang posibilidad na may makapansin?" pabulong kong tanong nang makalapit na.

He placed the brush into my hair so it wouldn't fall. Pagsasalitaan ko pa sana siya dahil mas lalong nagulo ang buhok ko sa ginawa niya pero binuksan niya na ang pinto and stepped out.

"Tulog na ang lahat," wika niya as though in assurance habang sinisigurado kong tahimik na maisasara ang pinto. Nasa front door na kami nang tumigil siya sa pinto, his hand on the doorknob. Bumaling siya sa akin, that cunning look he probably wore when he planned this was on his face. "I didn't do it for secrecy, I did it for the drama."

I choked on a laugh pero bago pa man muling mabuo ang halakhak sa aking lalamuna'y hinawakan na niya ang kamay ko't hinila ako palabas.

I didn't think of the people we were leaving behind. Of the disappointment my mom would feel for having to cancel a party she's been looking forward to. Of the litany I'd have to listen to once we return.

I wasn't being selfish by choosing myself today.

Kahit anong pilit ko sa sariling manatiling gising sa buong biyahe papuntang Marseille ay hindi ko magawa. I ended up sleeping on Jordi's shoulders in the entire flight.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now