Chapter 13

642 25 9
                                    

By December, mas madalas ko nang nakikitang may kasamang babae si Francis.

Ayoko namang bigyan iyon ng malisya kasi normal lang namang may babae siyang kaibigan but compared to the time before that night in his condo? There seems to be a flux with his girls.

We still hang out naman, but unlike before sa school na lang kami nag-uusap.

My weekends have been occupied by training and going to Jordi's games so I always have something to look forward to at the end of the week.

By the end of the sem, inaasahan ko na ang tonong ginagamit ni Francis sa akin ngayon.

Katatapos lang ng training nila at dahil nagsha-share lang naman kami ng court ay narito ako ngayon. May training rin kasi kami ngayon. Our last for this sem para makapagpahinga na kami sa Christmas Break.

Judging by how Francis's teammates were still around and mine weren't, mukhang napaaga ang punta ko dito.

"Kyla..." His face was devoid of the smiles he constantly used to give me before at ngayong tinitingnan ko siya nang maayos ay hindi na makita ang taong nagustuhan ko noon. "Do you have time?"

I glanced at my watch. Ten minutes before the others are supposed to arrive.

"Wala akong gagawin after training," wika ko.

Tumango-tango siya habang lumilingon sa kasamang naglalakad na palayo. "I'll be back by the time your training ends then. Hihintayin kita sa labas."

"Sige."

He stared at me for a few seconds longer than usual before he took his leave. Nang tuluyan na siyang nawala sa aking paningin ay doon ko pa lamang inilabas ang phone.

I read over my unsent text for the fifth time, sinisiguradong ayos lang iyon before I sent it. Tinitigan ko ang text ng ilang segundo, umaasang darating ang reply niya pero hindi na rin nagulat nang walang nangyari. Tulad ko'y busy rin siguro si Jordi sa training nila.

You:
can u come here after ur training?
i feel like something's gonna happen, diba gusto mong mauna?
i'll wait for u near Razon

"Milagro ata 'tong si Kyla ngayon ah!" agad kong itinago ang phone sa bag nang makitang papalapit na sina Ate Jolina, who was probably referring to how I was almost always late.

Hindi na namin naipagpatuloy ang pag-uusap dahil tinawag na kami ni Coach para tumulong sa pagse-set up ng net. I was on edge in the hours that followed kaya gulat na gulat ako nang tinawag ako ni Coach Ramil para mag one-man drill.

Mas lalo pa itong dumagdag sa kabang nararamdaman ko.

By the second minute, I was already gasping for air. Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa pagod at halos hindi na ako makalakad.

Lahat ng kaba ko sa pag-uusapan namin ni Francis ay naglaho dahil sa hirap ng training. By the time, Coach Ramil called it to a stop ay wala akong ibang ginusto kundi ang matulog ng isang buong araw.

That was definitely the longest 6 minutes in my life.

Pagod na pagod ako pagkatapos nang training so it was too late when I remembered to check if Jordi replied. Nakalabas na ako sa Razon at hinihintay na lamang na sumulpot si Francis tulad ng sabi niya.

I finally thought of checking my phone only to realize I didn't miss anything kasi hindi naman nag-reply si Jordi.

Nabitawan ko ang phone nang may bumangga sa akin. "Sorry," I automatically muttered as I bent down to retrieve my phone.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now