Chapter 16

651 24 3
                                    

The dinner I agreed to with Francis didn't come until the week before our final exam. Pareho kasi kaming na-busy dahil sa dami ng mga gagawin at sa training.

"Umalis ka na nga kasi! Hindi naman ako bata!"

Mahina kong tinulak palayo si Jordi. Nagawa niya kasi akong kumbinsihin na magandang ideya ang hayaan siyang ihatid ako rito sa pagkakainan namin ni Francis and now he wasn't budging.

Hindi ko alam kung totoo ba ang simangot niya but the lack of that happy aura he usually possessed was evident.

"I'll go when he arrives. Baka hindi ka pa siputin. Sinong kasama mong umuwi niyan?" aniya habang lumilingon-lingon.

Kahit gusto ko pang sabihin na baka hindi nga ako ihatid ni Francis ay hindi ko na lang ginawa dahil kahit anong pilit ko'y hindi naman siya lumalayo. In a way, maganda nga naman ang plano niya dahil may nakakausap ako habang hinihintay si Francis.

Jordi stayed true to his words nang makita na naming papalapit na si Francis. Kinawayan ko siya at sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang naitago ng lahat ng taong naglalakad-lakad sa direksiyon niya.

"Kayo ba ni Jordi?"

Agad akong bumaling kay Francis dahil sa sinabi niya. Hindi ko man lang napansing nasa harap ko na pala siya.

At the mention of his name, my cheeks automatically burned at tila hinahalukay na ng kakaibang mga hayop ang aking tiyan.

Tumikhim ako. "Pasok na tayo..." I said at umuna na sa loob.

I purposefully avoided answering his question because I didn't want to break this bubble I was in. Ang dali lang ma-imagine na may kami ni Jordi dahil natural na sa amin ang maging malapit sa isa't-isa.

Minsan nga'y umaabot sa panahong hindi ko na nakakaya ang antisipasyon sa lahat ng ito, na palagi kong iniisip kung masusuklian ba ang nararamdaman ko. I'd think of telling him the truth about what I feel.

Ang bata pa namin nung sinabihan niya lang ako ng "Eww!". Tama lang naman sigurong isipin na baka nagbago na ang tingin niya sa akin?

The thought of putting our friendship in peril holds me back. Kung kaya ko namang ipagsabay ang pagkakaibigan namin at ang pag-aalaga ng nararamdaman ko'y gagawin ko.

Time will come when I'll have to go back to Spain and by then mababasa na niya ang isinulat ko. At this point, it's just a matter of when and I plan to do anything in my power to prolong the time before then.

In this way, pinapatagal ko lang, hindi ko iniiwasan.

"Saan kita ihahatid after this?" tanong ni Francis after the food was served.

"Sa malapit lang sa dorm," I answered.

He nodded at that before opening up another topic.

The dinner was pleasant. Para kaming bumalik sa panahon bago naging kami. Ang kaibahan nga lang ay wala na akong kakaibang nararamdaman kapag nagkakatinginan kami.

How kind and caring Francis was tonight made me realize that this was the version him that I liked. But the thing is, people have multiple versions of themselves that they show to people.

It can't be called love when you can only appreciate one. And that was the case with him.

A nagging thought of another person knocked inside my head again.

Dahil sa bait na ipinamalas niya sa dinner nami'y akala ko'y tanggap na niyang magkakaibigan lang talaga kaming dalawa. Kaya gulat na gulat ako nang pinigilan niya akong makapasok sa gate ng dorm.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon