Chapter 1

1.5K 35 13
                                    

"Ate's taking the UPCAT next year."

I flashed a quick glance at Jordi who was sprawled on my bed, face-first, and making imaginary snow angels.

Tinalikuran ko na siya't hinarap na lamang ang salamin habang tinutuyo ang basang buhok. Kakatapos ko lang magshower matapos naming lagyan ng cold compress ang pisngi ko.

Namumula pa rin ito ngayon but the swelling decreased.

Tiningnan ko ang repleksyon ni Jordi sa salamin habang inaangat niya ang mukha mula sa pagkakasubsob. Nang makita niya ako'y bigla siyang sumigaw.

"AAH! BOLD! BOLD!"

Mas lalo niyang ginulo ang maayos na pagkakalagay ng comforter ko at ang pagkakapatong-patong ng unan habang tinatago ang kanyang mukha.

"Magbihis ka nga!" dagdag pa niya.

I stopped myself from rolling my eyes at that. Kunyari first time niya pang makita akong nakaganito e tambay naman to sa kwarto.

Dumiretso na ako sa loob ng walk-in closet at nagbihis na nga roon. Nang makalabas ako'y nakatutok na si Jordi sa phone niya.

Nang mapansin niyang tapos na ako'y itinago na niya ang phone and looked at me attentively.

"So you're going to UP too?" tanong niya.

"Sinabi ko bang ako ang magta-take? Hindi naman diba?" pambabara ko naman at lumabas na ng kwarto.

He easily matched my pace kaya sabay lang rin kaming nakapasok sa kusina.

"Sungit," he muttered to himself at ngumuso pa.

Manang brought out the food from an hour ago and set plates for the both of us. Itinago ko na lamang ang gulat nang napagtantong hindi pa rin pala kumakain si Jordi.

I looked around first to make sure that Mom wasn't around bago ipinatong ang paa sa inuupuan ko. I've always found this more appetizing and comfortable kaso nga lang, nagwawala si Mom kapag nakikita niya akong ganito because of something about etiquette.

Hindi na ako inasar pa ni Jordi habang kumakain kami. He was actually bearable when he's like this pero minsa'y hindi na rin ako napapalagay kapag nagdaan ang isang oras at hindi niya ako kinikibo.

We're basically threading the line between best friends and enemies.

Malapit na kaming matapos at umiinom na lamang ng juice. Inabot niya ang pitcher kaya inilapit ko ang aking baso para malagyan niya.

Compared to what he did years ago as a child, this time, he poured orange juice on my glass pero hindi naman pinuno.

I glared at him habang siya nama'y ngumisi lamang bago pinuno ang aking baso.

"Nire-recruit ako ng UP," I told him.

Nabulunan siya sa iniinom at dahil doo'y napatawa ako. His eyes were as wide as saucers habang tumitikhim.

"Tell me you aren't joking."

"Mukha ba akong nagjo-joke?" suplada kong sabi.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang mukha at ilang beses niya ring binuksan at itinikom ang bibig na para bang may gustong sabihin pero hindi niya mahanap ang tamang mga salita.

"But," dagdag ko.

The smile on his face froze as he waited in anticipation. Tumayo na muna ako at inayos na ang pinagkakainan namin. Lalapit na sana si Manang pero nang inilingan ko'y hindi na lamang nagpumilit dahil alam naman nilang hindi ako madadala.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now