Chapter 19

641 24 3
                                    

Kinabukasa'y maaga akong nagising, ngayon kasi ang appointment ko sa general doctor. Hindi pa man ako nakabababa'y rinig ko na ang boses ni Mom.

She was very cheerful than her normal disposition kaya kahit papaano'y hindi na ako ganoon ka gulat nang makita si Jordi sa hapag.

"Kailan ba ang uwi niyo ni Juan?" Mom was asking him. She threw a glance at me pero hindi niya naman ako inimik.

"Next week pa po," wika ni Jordi, ngayo'y nasa akin na ang tingin. "Good morning," bati niya sa akin.

"Good morning," I said back.

Paano niya nalamang maaga ang gising ko ngayon?

Hindi niya kasama si Juan ngayon. Now that I thought of it, were they here because Juan had unfinished business with my sister or did Jordi want to check up on me?

"Saktong-sakto! Makakaabot pa kayo sa birthday ni Kyla!" excited na wika ni Mom. "We're throwing her a party. Don't you think that's great?"

I silently groaned pero kahit na mahina iyo'y napansin pa rin ni Jordi.

"I already have 75 guests in mind pero since may board meeting kami sa susunod na araw ay baka madagdagan pa. It's gonna be like a pre-debut party," pagpapatuloy niya.

"Mom, I don't think it's necessary to invite 75 people I barely know. Ayokong magpa-party sa birthday ko," mahina kong ani.

It's one of the reasons why we barely talk.

Dahil iniiwasan ko na rin ang makasalubong si Mom kasi wala siyang ibang nababanggit kundi ang party na iyon.

I can't even socialize properly with Jordi. Paano na lang kaya sa iba?

"We've had this conversation before. Pumayag nga ang Ate mo, why shouldn't you?"

And it was exactly because of that why I don't even argue anymore.

Natahimik ako.

Once again, Jordi managed to meet my eyes.

"So you'll attend her party?" Mom asked him hopefully, as though she didn't just use a reprimanding tone against me a second ago.

"Opo, Tita," wika niya.

Nagawi na sa ibang bagay ang usapan dahil may bagong tanong si Mom para kay Jordi tungkol sa nga magulang niya. Hanggang sa natapos na kami sa pagkain.

"Mica can't drive you today, Ky. Jordi says he'll take you to the hospital," ani Mom habang papaalis na ako para makapagbihis.

"Opo."

Tulad ng sabi niya'y naghihintay nga si Jordi sa akin sa labas pagkatapos kong magbihis. Batay sa paraan ng pagtingin niya sa aki'y pinakikiramdaman pa niya ang mood ko.

Jordi opened the cab's door and let me in first bago siya sumunod sa tabi ko.

Gulat kong tiningnan si Juan na nakaupo sa upuang katabi ng driver. He looked grumpy kaya hindi na lang ako nagsalita.

Sa gilid ko'y kita kong sinundan ni Jordi ang aking tingin at nailing na lang rin.

Pagdating namin sa ospital ay bumaba rin si Juan pero hindi siya pumasok.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now