Chapter 6

728 23 0
                                    

Lumipas ang ilang minuto't nanatili kami sa ganoong posisyon. Kung hindi lang nagsimulang umambon ay hindi pa siguro kami aalis.

Babalik na sana kami sa loob nang mahagip ng aking mata ang pamilyar na lalaking naglalakad patungo sa isang bar. Agad kong pinigilan si Jordi na pumasok as I squinted my eyes to look at him properly.

Si Francis.

"Sundan natin!" I said, my eyes were still trained on him at bumaling lamang kay Jordi nang nakapasok na si Francis sa bar.

Jordi's mood darkened. "We're underage, Kyla."

Bumaba ang aking tingin sa suot. Sometimes, I wish I was born earlier para hindi na limitado ang pwede kong gawin. Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang mapagtantong mukha naman kaming matatanda na dahil sa tangkad.

"Lets just try to go inside!" agap ko nang maglalakad na sana siya palayo. "No alcoholic drinks, I promise!"

Tinanggal niya ang hawak ko sa kanyang braso. Kung kanina'y magaan ang atmosphere sa pagitan naming dalawa, ngayon nama'y ramdam na ramdam ang tensyon.

"You go by yourself," aniya bago ako tuluyang tinalikuran at iniwan na sa labas.

I was too shocked to even react. Talaga bang mali ang pinaplano ko o may problema si Jordi kasi bigla na lang nag-iba anh disposisyon niya?

I looked at the bar then back to the hotel then back to the bar bago ko napagdesisyunang subukan na lang talaga ang naisip. Wala namang mawawala kung susubok ako diba?

I gulped back the nervous lump in my throat habang papalapit ako sa maliit na pila. Mukhang hindi naman nanghihingi ng ID ang bouncer sa mga taong sinusundan ko but by the looks of it, mukhang kakilala niya na ang mga ito.

If Jordi was here, hindi ko na kakailanganin pang kabahan sa pagsasalita. He'd do all the talking, for sure.

"Bago ka ah?" tanong nung bouncer as he looked at me from head to toe.

Magkasingtaas lang rin kami pero kahit ganoo'y hindi pa rin ako mapakali dahil sa kaba at hiya na maaaring maramdaman kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako.

"Uhm oo," I said in a small voice.

May sasabihin pa sana siya when a hand snaked its way into my waist and pulled me inside at dahil sa bilis ng pangyayari'y hindi na nagawang pigilan ng bouncer ang pagpasok ko.

Sisigaw na sana ako sa galit dahil sa biglaang paghawak ng tao pero nakahinga naman nang maluwag nang malamang si Jordi lang pala.

Nang tuluyan na kaming nakapasok ay agad niyang binitawan ang aking bewang na para bang napapaso. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa paiba-ibang kulay but his ears looked red from where I was standing.

"Akala ko, di ka sasama?" halos sumigaw na ako dahil sa lakas ng musika.

Mahina niya akong hinila palayo sa dance floor papunta sa isang gilid.

"I'm not letting you do anything stupid on your own," nakasimangot niyang ani.

Oh. Akala ko pa naman, ayos na ang mood niya but it still remained dark now. Seryosong seryoso, malayo sa Jordi na nakasanayan ko.

Hindi ako mapakali habang iniisip na wala sa sarili si Jordi ngayon. I was very conflicted, kung ipagpapatuloy ko pa ba tong ginagawa o kung lalabas na lang ulit kami para sa ikapapanatag ng loob niya.

As I deliberated this, we stood awkwardly beside each other on one corner of the bar. Obvious na obvious ang pagkaka-out of place namin.

I was so close to choosing the latter when I, once again, caught sight of Francis. I turned to tell Jordi that I've seen him already pero wala na siya sa tabi ko.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFحيث تعيش القصص. اكتشف الآن