Chapter 2

1.1K 28 1
                                    

"No."

Hindi niya man lang hinayaang lumipas ang isang segundo bago ibinigay ang sagot pero hindi rin ako nagulat na ganoon ang sagot niya.

This was Jordi! Magpapapilit talaga 'to no!

"Why not?" tanong ko naman habang binabawi ang bacsilog na inabot ko sa kanya. I scooped a spoonful into my mouth at nilingon siya. Bahagya pa ring nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin siya sa akin so I raised an eyebrow because he still wasn't answering my question.

"Kasi ayaw ko."

"Bakit ayaw mo?"

"Kasi ayaw ko lang."

"Bakit nga?"

"Kyla." May babala sa kanyang boses.

"Jordi," paggaya ko naman sa tonong ginamit niya.

He looked so displeased and annoyed right now I'd think I finally won against him. Hindi na matanggal ang ngisi sa mukha ko nang tumayo siya't iniwan ako roon.

Nagmadali akong sundan siya, buti nga't madali lang pantayan anh kanyang yapak so I was beside him once again.

I took out my cap from inside my bag at ipinatong iyon sa ulo ni Jordi. "Init ng ulo natin ah?" nakangisi kong ani.

He only glared at me in turn bago ako hinila palapit. Ipinatong niya ang kamay sa taas ng aking ulo nang makalabas na kami na tila ba sapat na iyon para maging payong.

Mapapapayag rin kita, Jordi.

"Kyla! Baba na!"

Hindi pa man natatapos ni Mom ang sinasabi'y nasa harap na niya ako. Nang narinig kong may sasakyan nang papalapit ay nagkukumahog na ako palabas ng kwarto.

Mom looked at me weirdly pero nagkunyari lang akong walang napapansin habang hinihintay na makapasok ang mga GDL.

We were gonna have dinner with them again, pero this time ay sa Pilipinas na.

Agad na nagtagpo ang tingin namin ni Jordi pagpasok nila. Hindi ko napapansing nangingiti na pala ako habang iniisip ang naiplano kagabi.

Knowing Jordi, he probably wouldn't give in to my demands because doing so won't do him any good. So I brewed the perfect plan for that.

"Kulang kayo ah?" Mom asked after greeting everyone.

"Juan says may training raw sila ngayon," sagot naman ni Tita Anna. Kita ko ang pagbaling ni Mom kay Javi at Joe na tila nagtataka kung bakit naroon sila kahit na may training naman.

I took that as a sign na nakatuon na ang atensyon ni Mom kina Tita Anna kaya dahan-dahan akong lumapit kay Jordi.

"Whatever it is your thinking, it's a no."

Kakalapit ko pa nga lang kay Jordi nang sinabi na niya iyon. Tulad nung sinamahan niya ako sa La Salle ay nakakunot pa rin ang noo niya ngayon. Sa maling gilid ng kama na naman ba siya nagising?

"Jordi naman o! Sige na. Ako na ang masyadong payat, ikaw na ang matangkad at magaling."

Tila nabaliktad ang posisyon naming dalawa. Kung noo'y siya ang palaging nang-iinis sa akin, ngayo'y halos makaluto na ng itlog ang init ng ulo ni Jordi.

"—san pala si Kyla?"

Natigilan ako nang maulinigan ang pangalang binanggit ni Tita Anna. Agad akong umayos ng pagkakatayo at ngumiti sa direksiyon nila sa eksaktong oras na bumaling sila sa amin.

"Hi po!" I greeted shyly.

Her gaze flicked from me to Jordi then back to me kaya humakbang ako palayo. Baka isipin niya pang inaaway ko ang anak niya kahit naedyo totoo naman.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now