Chapter 27

553 21 1
                                    

By the time I calmed down, my eyes were already red.

Sa mga pagkakataong umiyak ako kay Ate'y isang beses pa lang ako nagbigay ng paliwanag. And so it wasn't new to her when I sat properly and resumed the cold compress on my ankle na tila walang nangyari.

Matapos ang ilang minuto'y nag-ring ang phone ni Ate. She excused herself and left at the same time Jean returned.

"Let's patch you up," she said, her gaze lingered on my red eyes pero hindi na naman nagtanong.

Hinayaan ko si Jean na balutin ang aking paa at kinuha na lamang ang phone upang libangin ang sarili. I looked up when Ate peeked inside again.

"Titingin ka pa ng game?" she asked. Hindi man lang niya ipinasok ang buong katawan and she still held her phone. Mukhang nagmamadali ata.

"Oo."

"I need to go na kasi. Juan called. Nilalagnat daw si Joaquin," nag-aalala niyang sabi. "May transpo naman kayo diba?"

"Oo," I lied. "Send my regards to Joaquin and Jaxon."

Ate gave me a tight-lipped smile before she left.

Ngayo'y iniisip ko na naman kung paano ako uuwi. Mula kasi nung nagsimula na ang training nami'y nagco-commute lang ako kasi nasasayangan ako sa gas kung may libre naman palang alternative.

I was set to move into the hotel the team was staying in a few days from now kasi malapit nang matapos ang mga fina-finalize ko sa kompanya.

Yes, we had transpo. Pero napaka-out of the way kasi ng condo ko sa tinutuluyan nila.

Maybe I should just book a Grab.

"Do you want a wheeled chair?" Jean asked na inilingan ko lamang. Hindi naman ang dalawang paa ang nai-sprain ko.

Inabot ko ang clutches na inabot niya as I steadied myself on one foot. I tested my weight on my injured foot at muntik nang matumba dahil sa sakit.

Wrong move.

I finally got the hang of it after a few minutes. Binuksan ni Jean ang pinto para sa akin. Kwento niya'y malapit na raw matapos ang third set at tulad kanina'y malapit raw ang laban.

I was halfway through crossing the room nang dumating si Jordi sa labas. Tulad ko'y natigilan rin siya as he looked at me from head to toe.

Bakit bumalik siya?

"M-May naiwan ka ba?" tanong ko. Umiwas ako ng tingin para hindi mahalata ang pamumula ng aking mga mata. I turned towards the place he stood by earlier at wala naman siyang gamit doon.

Binasa niya ang pang-ibabang labi as he entered the room uncertainly. Jean watched the both of us curiously, pero wala namang sinabi.

"Wala," tipid niyang ani.

He looked very at home as he walked through the seats—may hinahanap. Kumunot ang aking noo dahil sa nakita. Akala ko ba wala siyang naiwan?

Tumigil siya sa harap ng pinaglagyan ko ng aking mga gamit. Walang pasabing kinuha niya ang jacket kong nakapatong sa aking bag bago siya lumapit sa akin.

"Umupo ka muna," utos niya.

I was too caught off guard by his presence kaya naman wala sa sarili akong sumunod. I sat down carefully, ang aking mga mata'y nakatutok sa kanya habang siya nama'y naka-pokus lamang sa pagtulong sa akin na makaupo.

Inabot niya sa akin ang jacket kaya isinuot ko na rin. In the state I was in, imposible naman kasi atang makakabalik pa ako sa laro.

"Inutusan ako ni Ate Mica na ihatid ka pauwi pagkatapos ng game," aniya.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now