Chapter 32

546 25 1
                                    

My time away from the misfortunes the Philippines seemed to bring me was shorter than I expected.

Hindi pa nga ako nakakaabot ng dalawang linggo sa Madrid ay kinailangan ko nang bumalik sa Pilipinas matapos kong matanggap ang mensahe mula kay Coach Ramil telling me na magsisimula na raw ang training namin the day after New Year.

Even before we had the Championship game, napaunlakan ko na ang dinner na offer ng management. Karamihan sa mga paperwork ng pagiging import ko sa team nila was finished in Madrid and in no time, I was back in the team.

At dahil hindi ko naman gustong antukin sa unang training nami'y ang ending ay sa eroplano ko ipinagdiriwang ang New Year.

Mag-aalas siyete na pero tahimik pa ang subdivision nina Ate pagdating ko, marahil ay tulog pa ang lahat dala na rin sa pagod sa mga kasiyahan kagabi. I stopped my car in front of their gate and rang the doorbell pero walang sumasagot.

Iniiwan ko kasi ang susi ng condo kay Ate dahil siya ang nagpapalinis nun sa tuwing wala ako rito. We've been planning to have a duplicate key for a while pero palaging nalilimutan kaya sa tuwing dumadating ako sa Pilipinas ay dumidiretso ako sa bahay nila.

Matapos ang isang minuto'y mahina kong tinulak ang kanilang gate at nagulat nang bukas pala iyon. I made a mental note to tell them about it later, baka mapasukan pa sila kapag naulit iyon.

Tulad sa labas ay wala ring tao sa sala, umupo na muna ako sa kanilang sofa upang magpahinga. Nakatulog naman kasi ako sa eroplano, pero sa kabila noo'y nakakapagod pa rin. I glanced at the stairs that led to their room. Gisingin ko na lang kaya?

Napailing ako sa naisip.

Nang makaramdam ako ng gutom ay dumiretso ako sa kusina at natigilan na lamang nang makita si Jordi roon, nakaupo sa likod ng island counter.

He also froze, wide-eyed with a fork of spaghetti inserted in his mouth. Nakapambahay lamang siya, ang isang paa ay nakapatong sa katabing upuan.

Hindi man lang hinintay na mag-isang oras ako rito't nagkita na kami.

Well, this is awkward.

Sa aming dalawa, siya ang unang nakabawi.

Tumikhikm siya't umayos sa pag-upo habang sabay kaming nag-iwas ng tingin.

I instinctively tensed and my body automatically pulled up the reserved look I always had when he was involved. Pero nang hindi man lang niya ako tiningnan nang malamig ay unti-unting natunaw ang pagpapanggap ko.

Instead of looking at me with cold and steely eyes, ngayo'y seryoso niya lamang akong tinitingnan habang tinatanggal ang tinidor mula sa bibig.

"Breakfast?" aya niya.

Napatulala ako dala na rin ng gulat because of how mundane the question was. Kung gaano ka-simple kung ikukumpara sa ibang mga pag-uusap namin sa mga nagdaang taon.

I blinked back the surprise as I shifted my weight on both feet. Ngayo'y tila bigla akong nagkaroon ng interest sa lalagyan ng baso nina Ate.

"Iinom lang ako ng tubig," I answered.

Hindi ko alam kung nais ba akong ipahamak ng tiyan, tulad ng ginawa nito nung gabing na-injure ako sa unang laro namin, but my stomach grumbled. Sabay kaming napatingin sa isa't-isa. I was filled with surprise habang siya nama'y nakataas na ang isang kilay na tila pinagtatawanan niya ako sa isip.

Agad akong nag-iwas, not fast enough so I wouldn't see the way a corner of his lips tugged upward.

Tumayo siya, the chair scraping against the floor was very loud dala na rin ng tensyon at katahimikan na namamayani sa bahay. He set my plate and utensils on my side of the counter bago niya binuksan ang ref.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now