Chapter 21

643 25 4
                                    

"Saan ka pupunta?"

I stopped mid-step nang tinawag ako ni Mom. Unti-unti akong umayos sa pagkakatayo habang bumabaling kay Mom.

I consciously straightened the semi-formal dress I was wearing na pinaresan ko ng heels.

"Graduation na ni Jordi ngayon, My," wika ko.

Tumaas ang dalawang kilay niya bago bumaling sa kalendaryong nakapaskil sa isang gilid. Hindi siguro makapaniwala dahil sa bilis ng panahon.

"Send my regards to Bert and Anna." She looked at my outfit one last time before she continued her ascent in the stairs.

Hindi na ako naghintay ng isa pang segundo't nagmadali nang lumabas.

That hot air that seemed to be native to the Philippines welcomed me the moment I left the house.

May business kasing aasikasuhin si Mom kaya sumama na rin ako. It was so sudden na hindi ko na rin naipaalam kay Jordi na pupunta ako. Kaming dalawa lang ni Mom dahil parang diring-diri si ate sa kaisipang bumalik dito.

I couldn't blame her though.

I hailed a taxi at nang tumigil na sa harapan ko'y agad na sumakay. At the rate I was going, mukhang malalate na ako nito.

When we returned that night, tanging si Dad at Ate lamang ang gising. Ang sabi nila'y napagod daw si Mom kaka-cancel sa lahat ng reservations na ginawa niya para sana sa party so she had to sleep early.

Tulad ng sabi ni Jordi, hindi nga nagalit si Mom dahil sumama ako sa kanya. I managed to confirm that dahil hindi naman nadawit si Jordi sa lahat ng rants niya sa mga sumunod na mga araw.

Ever since he left, hindi na kami nagkita ulit. Natuto kaming magkunyaring kuntento na kaming makausap ang isa't-isa online kahit na ang totoo'y hindi naman.

He stayed true to his words a few months later.  We stayed up late to wait for his birthday at tulad ng sabi niya'y winakasan niya nga ang relasyon namin eksaktong isang minuto bago sumapit ang alas dose.

I remember teasing him about it, telling him na hindi kami aabot ng birthday ko but he never faltered.

So technically, I was single today.

Sa kabila ng sinabi niyang break na kami'y wala namang ibang nagbago. He'd still call as often as before and we'd talk as enthusiastic as before.

Wala nga lang exchange of I love you's sa huli. Ako lang ang nagsasabi nun and he'd only grin at me before saying "I miss you too," nagkukunyari na lang na iba ang sinabi ko.

Pagdating ko sa venue ay hindi ako nagkamaling isipin na nagsimula na nga ang program. I easily spotted Jordi near the middle, a few seats from him sat some of his teammates that I recognized.

And a few rows in front of him sat Nicki.

Nagawa niyang salubungin ang tingin ko pero hindi rin nagtagal dahil inirapan niya ako bago ibinalik ang atensyon sa mga graduates na rumarampa pa-akyat.

Kahit na hindi niya na ako nakikita'y umirap rin ako. This was the first time we saw each other again after I confronted her in UPIS. Naka-block na rin ang pangalan niya and socmeds kaya wala na talaga akong nabalitaan tungkol sa kanya.

My gaze landed back on Jordi who was now looking at me. He blinked a few times na tila sinisiguradong ako nga 'to.

Automatiko akong napangiti't mahinang kumaway. It was very clear how he looked unsettled the moment he saw me.

Nagsimula nang tawagin ang mga apelyidong nagsisimula sa G kaya hindi na rin ako umalis sa pwesto kong kitang-kita mamaya para makuhanan ko siya ng picture.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now