2nd Journey

66 3 0
                                    

Kuya Yani

Chapter 2

Kahapon lang pinost ni Josh yung tapsilugan na yan pero dude, it hits 30,000 reacts! Iba talaga kapag malakas ang karisma.

But anyway, kamusta ako? Heto gumagawa ng assignment na hindi ko naman talaga gusto at wala akong maintindihan.

Salamat kay pareng google.

Kung hindi naman kay pareng google eh kay pareng josh naman Hahahaha.

But anyways, saturday ngayon kaya walang pasok pero may sandamakmak na assignment.

Isa pa yang thesis na yan. Thesis is coming.

Bigla akong napaisip, ano kaya ang buhay ko ngayon kung Fine Arts ang kinuha ko?

Masaya

Nag-eenjoy

Ganadong sumasagot ng assignment

At hindi tumatakas sa klase.

Ibang-iba dito sa course ko.

Boring

Wala akong ka-inte-interest

Halos mangiyak sa assignment

At laging tambay sa clinic.

About 4pm ng matapos ko na ang lahat-lahat.

Naisipan ko namang lumabas muna para na din maka-sagap ng fresh air at bumili ng paborito kong sweet corn.

Mga ganitong oras asa plaza na yun.

Bumaba na ako at naabutang walang tao sa bahay kaya nilock ko pa muna ito.

Hindi naman ako nagkakamali na nasa plaza na ang nagtitinda ng mais. Bumili ako ng isang mais at naupo muna sa upuan at nanood ng mga nagvo-vollyball

Pero maya-maya ay may narinig na akong nagsisitakbuhan at nagsisigawan. May away ata. Nilingon ko naman kung san galing ang sigaw na iyon.

Hoy Felipe! Bumalik ka dito!! Huwag kang duwag!! Sigaw ng isang lalaki. Habang hinahabol ang isang lalaking naka gray na hoodie na moreno.

Habulin niyo!! Sigaw pa nito.

Nagulat naman ako ng humugot ang isang binatilyo na kasama ng leader nila sa panghahabol dun sa felipe.

Nabitawan ko naman ang kinakain kong mais dahil sa gulat at takot para dun sa felipe na yun.

Mag-isa niya lang at lima ang humahabol!

Should I help him?

Tatayo na sana ako pero nakita ko na bumalik ang limang nanghahabol sakanya na hingal na hingal.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin yung lalaki at nakita ko siya sa isang madaming tao na nakasiksik doon at tinatago ang sarili.

Lintik na! Nakatakas! Sigaw nung mukhang leader nila.

Hanapin niyo! Utos pa ulit nito.

Nagulat naman ako ng lumapit sakin yung leader nila. Alam kong taga saamin toh pero hindi ko alam ang pangalan. Hindi naman ako naglalabas eh.

Napalunok nalang ako ng tapikin niya ako sa balikat.

Justin, Pre. Panimula nito. Pinipigilan ko naman ang panginginig.

Pre mo mukha mo! Tubol!

Oh?

May nakita ka bang lalaking hindi gwapo, maitim, mukhang mahirap, naka gray na hoodie? Tanong nito.

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now