Journey 43

33 1 0
                                    

"Ayoko na. Masyado nang nakakapagod" Ken said. Gulat naman akong napatingin sakanya. Hindi lang ako actually. Lahat kami.

"Anong--Anong nakakapagod, Ken?! Pagod ka na ba na abutin ang pangarap mo?!" Stress na wika ni Stell.

"Masiyado kasing mataas, Stell! Parang.. Parang ang hirap abutin" dahilan ni Ken.

"Malamang Ken. There's no elevator to success. You need to take the stairs!" pakikipagtalo ni Stell.

"Tapos ano?! Patuloy kang aakyat kahit hindi mo alam yung nasa dulo?!" medyo lumalakas na ang boses nila. Lumapit ako kay Ken para awatin siya. Ganon din naman ang ginawa ni Sejun kay Stell.

"Minsan din kasi Stell, Think negative. Para hindi puro positive. Dahil kung nag-isip ka na ng negatibo... Hindi na masiyadong masakit kapag nalaman mo na ang resulta, hindi ba?"

"Josh..." gulat na wika ko.

"Oo merong araw. Pero meron ding ulan--- o bagyo. Ang bahaghari? Minsan lang magpakita. There's a rainbow after the rain 'kuno' pero hindi palagi" dagdag nito. Lumunok ako para pigilan ang pag-iyak pero Si Stell naman ay hindi na napigilan ang luha.

"Josh? Sumu... Sumusuko ka na?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Pasensiya na dre... Pero tama si Ken. Masiyado nang nakakapagod. Alam ko namang mahalaga sayo toh pero mukhang hanggang dito nalang ata---"

"PUTANGINA!" nagulat kami sa sigaw ni Stell.

"Nasan na yung fighting spirit niyo?? Asan?!" Si Stell na para bang hinahanap talaga ang determinadong kami.

"Alam ko namang mahirap pero... Does quitting is the only way for us to shine brighter? Tama. May liwanag at dilim. Kasalukuyan tayong asa dilim pero nagrorotate ang earth guys. Kailangan lang nating MAGHINTAY na sumikat ang araw para magkaroon ng liwanag. Oo. Tama ka rin. Hindi palagi nandiyan ang bahaghari pero pwede tayong maging bahaghari para sa isa't-isa. Pwede tayong maging pag-asa ng bawat isa. Ngayon kung susuko kayo? Hmm" mapait siyang tumawa. "Mawawala nga talaga ang bahaghari. You call me your sunshine but you guys are my rainbows"

Pilit ko pa ring nilalabanan ang pag-iyak. Si Sejun naman ay ganon din. Napa-iwas kami ng tingin ng biglaang bumukas ang pinto. Kung saan saan na kami tumingin para lang hindi makita ng kung sino man ang pumasok ang mga mata namin o ang mga itsura namin

"What happen guys? May narinig akong nagsisigawan. Kayo ba yun?" boses ni Teacher Hong.

"Hindi po" pagsisinungaling ni Sejun.

"Of course kayo yun. What a stupid question at tinanong ko pa kayo. Kayo lang naman ang tao dito sa studio" she chuckled. Inignora niya ang sinabi ni Sejun.

"Face me guys" utos niya. Medyo pasimple namin pinunas ang mga luhang namumuo sa mga mata namin. Matapos ay humarap kami.

"Now. Make a crircle tapos pag-usapan ninyo yung mga hinanaing niyo. Go! Dito lang ako" utos nito. I smiled. This is not the first time na ginawa namin toh dahil tuwing magkakainisan kami ay madalas naminh gawin toh na tinuro ni Teacher Hong.

"Sensya na guys. Napagod lang talaga siguro ako" si Ken ang bumasag sa katahimikan.

"Ako rin. Tama ka Stell. We can be a rainbow to each other. Thank you ha" si Josh naman.

"No worries. Basta walang susuko ha?"   pang-aalo ni Stell so we nodded.

"Okay ganito. Kailangan na nating ilabas ng alas" napatingin kami kay Sejun. Alas? Anong alas.

"Ilalabas na natin ang 'go up' "

[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now