6th Journey

46 2 0
                                    

Pablo

Chapter 6

Hayup ka. Akong kinakabahan sayo. Alam mo ba yun? Inis na wika ko kay Josh.

Hindi tayo talo. Masungit na biro nito. Anak ka ng tapsilugan!

Bawal mag-alala? Sarkastiko kong tanong.

Para kang bakla. Matapos ay sumimsim siya sa iniinom niya.

Talaga naman oh. Siyempre po, Mr. Cullen top student ka and knowing Prof. Jones, kayang kaya ka niyang ibagsak. Pagpapaliwanag ko.

Kaya ko rin siyang ibagsak. Malamig na sabi nito. Kahit saan talaga oh.

Teka, si Ken pala? Tanong ko. Nagkatinginan naman kami.

Nak ng! Bat di mo pina-alala?! Galit na tanong niya sakin.

Bakit parang kasalanan ko?

Eh hindi mo pina-alala eh. Wala pa nan atang kakilala yon. Nag-aalalang wika nito. Mas nanlaki naman ang mata ko ng may ma-alala.

Halah! Gulat na wika ko. Taka naman siyang tuminhin sakin. Bakit? Tanong nito.

May mga ka-away pa naman yun. Yung kinuwento ko sayo?! Nag-aalala ko na ring wika.

Lintek, ilan ba ulit kaaway niya? Tanong nito. Inalala ko naman ang mga humabol sakanya at binilang sila sa isip.

3 o 5 ata. Ewan! Nagpapanic na wika ko.

Tara Tara! Agad kaming nagbayad sa kinakainan namin. Hindi na namin naubos ang mga in-order namin.

Paikot-ikot na kami sa mga kanto at sa mga masisikip na eskinita at sa mga hindi mataong lugar. Naisip naming puntahan ang mga lugar na iyon dahil madalas doon ang gulo para hindi masyadong makita.

Teka teka. Hinihingal na wika ko. Napahawak na ako sa tuhod ko.

Hindi ka ba napapagod? Tanong ko sakanya dahil ako ay pagod na pagod na.

Eh baka nga kung ano nang nangyari don. Pero kung pagod ka na pahinga muna tayo ket konti. Wika nito. Napatingin naman ako sa hawak niyang phone. Tapos bigla ko siyang binatukan.

Aray! Para san naman yon ha?! Inis na singhal niya.

Gago. May number ka niya diba?! Tawagan mo muna. Haup na kanina pa kami palakad lakad dito eh. Napakatalino nitong tao bakit hindi niya naisip yon?

Nag-dial na siya at naghintay ng sasagot then biglang nabuhayan ang mukha niya.

Hey Ken, Where are you? Mahinahon nitong tanong. May kasama ka ba ngayon? Sorry nalimutan ka namin eh. Nawala si isip namin. Dagdag niya.

Yup.... Saan yan?.... Ah I see. Kita na lang sigur----. Wait Ken? What's that?... Ken? Hey, Ken. Hell---. Bigla niya nilayo ang cellphone niya kaya naman nagtaka ako.

Bakit? Anong nangyari? Medyo kinakabahang tanong ko.

I heared a scratch. Taka nitong sagot habang nakatingin sa cellphone niya.

Scratch? Anong scratch?

Ewan.

Eh nasan daw ba siya? Puntahan nalang natin. Hindi maganda pakiramdam ko eh.

Same here. Pero asa bilyaran daw siya. May malapit na bilyaran dito malapit din yun sa school. Tara doon. Pagpapaliwanag nito. Tumango naman ako at sinundan siya. Lakad takbo na ang ginagawa namin. Hindi din kasi kami gumamit ng kotse para less pollution. Masyado ng polluted itong Manila.

Malapit na kami sa entrance ng bilyaran ng mapahinto kami dahil sa ingay na para bang nagkakagulo sa loob. Nagkatinginan kami ni Josh at sabay na napatakbo sa loob.

May mga taong naka-paligid at naka-pormang bilog. Siniksik namin ang katawan namin. Madali lang para kay Josh yon. Medyo nahirapan pa ako. Nang makarating sa harap ay agad akong napahiyaw.

Pucha! Gulat na sigaw ko ng makita si Ken na nasa sahig at tinatadyakan ng isang lalaki. Teka--shet! Siya yung nanghingi ng bente.

Agad na tumakbo si Josh at kinalabit ang lalaki. Pag-lingon na paglingon nung lalaki ay malakas na suntok ang natanggap niya mula sa kamao ni Josh.

G*go ka ba?! Galit na tanong nung lalaki na sinuntok niya.

Tao hindi g*go, Tanga! Maangas na wika ni Josh. Mas lalong nagalit yung lalaki kaya akmang susuntukin na siya nito ng biglang hawakan ni Josh ang kamao niya at binato.

Muli sana niyang susuntukin ito ng maka-ilag nanaman siya at si Josh naman ang sumuntok sa mukha ng lalaki.

Ang ilang mga nanonood ay napa 'oh' sa nakikita nila. Anak ng tipaklong?! Natutuwa pa kayo sa pinapanood niyo habang ako eh hindi na alam ang gagawin dahil sa kaba?!

Nanlaki ang mata ko ng may nakitang papalapit kay Ken na may dos purdos. Nasa sahig pa din si Ken at namimilipit sa sakit. Nang tignan ko naman si Josh ay busy pa siya sa kakasuntok sa tatlong lalaking kalaban niya.

Hoy Justin! Galaw galaw din pag nay time.

Kinakabahan man ay inalis ko ang bag ko at hinagis iyon sa mukha ng lalaking papalapit kay Ken.

Siyempre hindi ko masusuntok yon kasi di naman ako narunong manuntok. Weak. I sighed at dali-daling tumakbo para alalayan si Ken.

Nang makita kong palapit na iyong lalaki saamin ay kinuha ko ang stick na pambilyar at akmang ihahampas sa lalaking palapit ng biglang may sumigaw na isang lalaking may mahabang buhok.

MAGSITIIIIGIL KAYOOOOOOOOO!! Nangibabaw ang boses niya. Dahilan para matigil kami sa kanya-kanya naming ginagawan.

Nang tignan ko ito ay naka-suot ito ng pang waiter. May cafeteria kasi dito sa loob ng bilyaran.

Matapos kong pagmasdan iyon ay nabaling ang atensiyon ko kay Ken na hirap na hirap na tumayo kaya agad akong tumakbo sakanya at inalalayan siyang makatayo.

Kayong lima! Wala ba kayong alam kundi ang manggulo lang?! Tanong niya sa limang naka-away namin.

Bakit ka ba nangenge-alam ha, waitress boy. Sino ka ba? Tanong nung leader ng mga nambugbog kay Ken.

Napatingin naman ako sa nametag ng umawat samin at nakita ang pangalan niya.

Pablo.






[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon