Journey 39

30 3 0
                                    

"Got it?" tanong saakin ni Josh. Kasalukuyan kaming nasa condo niya at tinuturuan niya ako para sa thesis kong inulit. Tinulungan din niya akong i-post sa social media ang survey form para mas mapadali ang pagtatanong.

1 week lang ang ibinigay saakin ng prof ko para maayos iyon at ngayon ay pangatlong araw na.

Sa palugit naman na ibinigay saakin ni kuya ay mayroon nalang kaming isang buwan at kalahati. And guess what.

Maaring isa sa mga araw na ito ang debut namin with our song 'tilaluha'

Ipinagpahinga muna kami nila Sir Charles, Tatang Robin at Teacher Hong. Asikasuhin muna raw namin ang mga kailangan naming gawin.

"Okay! Yup! Got it. Sa wakas na tapos din. Maghihintay nalang ng sagot" wika ko. Napaunat pa ako sa sobrang kapagudan.

"Buti na lang at may gwapo kang kaibigan. Gwapo na matulungin pa. Hah!" pagyayabang nito.

"Bulero ka rin noh?" bahagya niya naman akong sinuntok sa balikat.

"Aray! Tsk!" reklamo ko kunwari.

"Payat mo kasi, pataba ka!" wika nito.

"Si kuya ba kita? Parehas kayo ng sinasabi eh. HAHAHA. Patangkad ka na rin" pang-aasar ko sakanya.

"Oh. Kamusta na nga pala si Kuya Cj? Nagkita na kayo? Halos ilang buwan na rin ah. Dalawa?" tanong nito.

"Hindi pa eh."

"Bakit hindi pa?"

"Malay ko ron. May pa tamang tamang panahon pa. May.. Inaayos pa raw siya na ikakabuti ko. Feeling ko nga may tigyawat yun ng sobrang dami kasi ayaw niyang mag-face reveal" kwento ko sakanya.

"Oh?" gulat na tanong nito.

"Mm. Pinagtataka ko nga rin na tuwing nag pho-phone call kami eh may voice changer siyang gamit. Bakit naman pati boses kailangang ibahin?" takang tanong ko sakanya kahit alam ko naman na hindi niya rin alam ang sagot.

"Baka naman kasi... Kilala mo talaga siya? I mean--parang nakakahabilo mo talaga siya in every day life mo hindi mo lang napapansin kaya kailangan niya pang gumamit ng ganon"

"Di ko alam. Pero may point ka nga naman. Tapos meron pa pala! Feeling ko may private investigator siyang ini-hire para sakin"

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi naman, Alam niya dati na nagpapart time ako. He also knows na nagt-train ako for this! Sabi pa nga niya na magkikita na kami ONCE WE DOMINATE THE WORLD"

"Sana true" natawa nalang kami.

Then Josh's Phone rang. When I look at it my mouth form an 'oh' siningkitan niya naman ako ng mata.

He cleared his throat first.

"What do you need?" mataray kunwari nitong wika.

"Of course not. Kahit gawin ko pa yan mag-isa" mayabang na wika nito. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko kaso inilayo ito ni Josh. Napabisangot tuloy ako.

"Look Coleen, We're group. Wala ka nang magagawa don. Got it?"

"Bye na" Wika nito at sinamaan ako ng tingin.

"Napaka-tsismoso mo" wika nito saakin.

"Bye lang? Walang I love you?" wika ko sa mapang-asar na tono.

"Manahimik kang bata ka kung ayaw mong masapak" banta nito saakin. Kunwari naman akong natakot at nag 'zip' ng mouth. Ilang segundo palang ang nakakalipas ng mag-ring ulit ang phone niya.

"Miss ka kaagad" wika ko kaya inambahan niya ako ng suntok. Tinaas ko naman ang dalawa kong kamay na parang sumusuko.

He glance at his phone and face me his phone afterwards. When I look at it, Sir Charles is calling.

Sinagot niya iyon at inilagay sa loud speaker.

" Kasama mo ba si Justin ngayon, Josh?" tanong nito. Nagkatinginan naman kami.

"Yes sir. Nakikinig ho siya ngayon"

"Good. Prepare yourselves" wika nito na ipinagtaka namin.

"For what po?"

Then his last word left us in shock.

"Magde-debut na kayo"


[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now