Journey 37

36 2 0
                                    

"Lalagnatin ata ako" wika ko habang naka-upo sa isa sa mga couch dito. Ang apat ay kasalukuyang gumagawa ng steps para sa kanta naming 'go up' na isinulat ni Sejun.

Naalala ko nanaman tuloy yung mga nangyari kahapon.

"long time no see... Suson" wika ng leader nila. Agad naman akong napalunok. Tinignan ko ang mga kasama ko. Si Sejun na bahagyang salubong ang mga kilay. Si Josh na nakakuyom na kaagad ang mga kamao. Si Ken na blangko ang mukha habang nakapamulsa pa sa rip jeans niya. Napalingon naman ako kay Stell ng kalabitin niya ako. Makikita ang takot at taka sa kanyang mga mata.

"Sino sila? Kilala mo?" Tanong nito. Wala nga pala siya nung time na nagkagulo sa bilyaran.

"O-oo" natatakot na wika ko habang hindi siya nililingon dahil nakatingin ako sa mga mata ng isa sa kanila na nakangisi saakin habang nginunguya ang bubble gum at maya-maya ay dinura ito.

"Mukhang mga basagulero" bulong ni Stell kaso ang malas lang at narinig ito ng isa sa kanila na katabi ng leader nila. Ano siya, vice president?

"Anong sabi mo?! Basagulero kami?! Ha?!" inis na wika niya kay Stell. Galit na galit? Bakit, hindi ba totoo?

"Uhm, Yeah?" Stell said pero patanong. Nagkuyom ang mga kamao nila.

"Kung basagulero kami, Anong pinagkaiba namin kay Ken?!" Tanong nito.

"Siya gwapo kayo hindi" Sabay na wika namin ni Stell kaya tatawa tawa kaming nag-apir. Natigilan naman kami ng magsalita si Ken.

"Huwag na kayong makipag-away. Tara na" wika nito habang akmang papasok sa loob ng building kaso natigilan kami ng may bumato ng bato sa ulo ni Ken.

"ARGHHHH!" daing nito.

"KEN!" sabay-sabay kaming lumapit kay Ken at inalalayan siyang maupo dahil medyo napadapa siya.

"Shit! Dugo!" nagpapanic na wika ko ng may makitang dugo sa ulo ni Ken.

"Jah, Ipasok mo na si Ken para maagapan. Stell tumawag ka ng guard. Kami na muna ang bahala dito" Sejun said. Nag katinginan naman kami ni Stell at tumango. Agad na tumakbo si Stell para magtawag ng guard. Habang ako naman ay dahan-dahang itinatayo si Ken. Nang maitayo ko na ito ay sinabit ko ang kanyang isang kamay sa balikat ko at inalalayan siya.

"Argh! Fuck! Nahihilo ako, Jah" wika nito.

"Wait lang. Dadalhin kita sa clinic. Kaya mo bang maglakad?" tanong ko dahil medyo malaki talaga ang ibinato sakanya. Buhay na bato pa.

"Ewan. Umiikot yung paligid. Letse" reklamo nito. Left with no choice...

" Sakay ka sa likod ko" utos ko para madali kaming makapunta ng clinic.

"Huh?" takang tanong nito.

"Just do it" utos ko. Narinig ko na ang pagbubugbugan nila sa likod namin. Nagtataka man si Ken ay sumakay siya sa likod ko. Agad naman akong pumunta ng clinic. Narinig ko pa na sinigaw ng isang lalaki ang pangalan ni Ken pero hindi ko na siya nilingon pa.

Pinilit kong bumangon pero medyo masakit talaga ang ulo ko. Kainis! Na over fatigue ata. So I decided na mag phone muna then after minutes, silang apat na ang nagdesisyon na puntahan ako dito.

"Jah, tapos na namin" Masayang wika ni Ken. Nangiti naman ako. Pinanood namin ang choreography na ginawa ni Stell. Matapos panoodin ay nag-angat kami ng tingin at tumitig sa isa't isa ng may ngiti.

We go up. We said.



[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now