Epilogue

68 3 0
                                    

3 MONTHS AFTER..

"Kurikaeshimasuga, SB 19desu! Hakujukassai!!" (Again, They are SB19! give them around of applause!!) masiglang wika ng emcee at masaya namang nagsisigaw ang mga A'tin. Nag-bow kami habang magkahawak ang mga kamay.

"Watashitachi wa anata o aishiteimasu, SB 19!" (we love you, SB19!) sigaw nilang muli.

"Watashitachi mo anata o aishiteimasu!" (we love you too!) sigaw ni Ken. Ken is so fluent in Japanese. Of course! Anime fan.

We're having a concert in Japan at kakatapos lang namin. Next week naman ay sa Australia kami and after 2 weeks ay sa Greece kami.

Ang dating pangarap lang namin na world domination ay nangyayari na.

Nakakapagod, Oo but siyempre masaya rin. Nakukuha pa rin naman naming makipagkita sa mga mahal namin sa buhay dahil binibigyan kami ng sapat na araw para makapagpahinga. Hindi naman kami ganon pinaghihigpitan.

Sino nga namang mag-aakala na ang layo ng mararating namin? Kabi-kabila ang mga awards na natatanggap namin at kabi-kabila rin ang guesting, all over the world. Hindi lang sa Asia pero sa buong mundo.

May nababalitaan din ako na madami na ang bumibisita sa Pilipinas because of us. Ang iba pa nga ay sinusubukan pang mag-aral ng wikang tagalog.

"Yow! Wazzup gwapo naming bunso?" wika ni Diko. Kasama niya si kuya Cj.

"Eto, gwapo pa rin" proud na sabi ko.

"Mana sakin"

"Mana sakin"

Sabay nilang wika kaya napailing nalang ako dahil alam ko na kung saan hahantong toh. Hindi nga ako nagkakamali at para na silang mga manok na nagsasabong kaya inawat ko sila.

"Ano bayan! Ako ang bunso pero ako lagi taga-saway! Grow up my dear brothers!" reklamo ko. Ginulo ni kuya Cj ang buhok ko at binatukan naman ako ni Diko kaya napabusangot ako. Pero napangiti rin.

Malinaw pa rin ang mga ala-ala ko 3 months before..

"Congrats. I'm so proud of you" wika ni Kuya.

He what?

Sure ako na naglinis ako ng tenga ko but he fucking what?

"May pupuntahan pa ba kayo after this?" tanong niya. Tulala akong umiling.

"Alam kong gwapo ako pero huwag ka naman masiyadong ngumanga diyaan" he joked.

"Marunong ka nang mag-biro?" iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Napatawa si Kuya Cj at kumunot naman ang noo ni Diko.

"Well, I'm not joking!" medyo inis na wika niya. Kaya napangiti ako. Ganyan din kasi line ko kapag inaasar ako ng mga groupmates ko. "but by the way, free ka ba?" tanong niya. Tumango naman ako at malaki ang ngiti niya.

The next thing I knew, naka-upo na kami sa picnic mat. Diko, Kuya Cj and I. Dito kami madalas maglaro nung mga bata pa kami kaya napangiti ako.

"Kung buhay lang si Dad. Proud na proud siya sayo. Sure yan!" masiglang sabi ni Kuya Yani. I chuckled.

"Sino naman ang nagpatino sayo kuya at bigla mo nalang akong sinuportahan?" nakangiti kong tanong.

"Siyempre---"

"It's me!" nagtaas ng kamay si Kuya Cj na parang bata kaya natawa ako.

"Proud na proud kami sayo Jah" sabay nilang wika at sincere sila doon.

"I know. Thank you mga kuya!" I hug them and they hug me back.

"Oh! Dapat sa susunod na punta namin na concert niyo hindi nalang mall show ha? Dapat world domination na!" wika ni kuya diko.

At yun na nga. Now, we're dominating na whole world. We succeed. Natupad ang pangarap namin na sobra naming pinaghirapan.

Nakamit namin ang kasikatan na gusto namin at nabuo na kaming tatlong magkakapatid.

Well, I guess wala na akong hihilingin pa?

I'm Justin De Dios, The visual of SB19.

And this...

THIS IS WHAT I WANT.

THE END.


This may be the end of the story but not the Journey of our boys:))

Again, for the last time...

This is "THIS IS WHAT I WANT" by ENARIA_21.

Thanks for supporting me!! Love lots!



[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now