Journey 44

37 2 0
                                    

"And post!" kita ko pa ang panginginig ni Teacher Hong when she uploaded the music video of our song 'go up'. We shoot the music video for about 3 days kaya medyo puyat pa kami. Yung tilaluha kasi ay hindi kami ang nasa music video kundi sina Teacher Hong.

Go up talks about the ups and downs na nararanasan ng aming grupo. We also decided na kapag ito, hindi pa rin gumana ay... Wala na. Titigil na kami.

"Sana gumana" puno ng pag-asang wika ni Stell.

"Come on guys, gagana na toh. Tiwala lang!" pagpapalakas ko ng loob nila.

"Guys! Alam kong pagod kayo at wala kayong tulog so... Go home and sleep!" anunsyo ni Teacher Hong. Napapalakpak naman kami.

"Rinig mo yon, Josh? Go home raw.. Huwag nang lumandi" pang-aasar ko dahil rinig ko ang usapan nila kanina ni Colleen.

"Nangangain ako ng bata" pananakot kunwari nito so I laugh.

"Paano? Eh mas matangkad ako sayo. Di moko makakain ng buo" balik na asar ko sakanya. Narinig iyon ng iba kaya natawa rin sila. Hindi na maipinta ang mukha ni Josh ngayon. Paktay galit na.

"Ikaw Jah, Hmmmm!!" gigil na wika nito. He's cute. Tinawanan namin siya dahil gigil na gigil siya pero parang ayaw niya akong patulan.

"Bat nagtitimpi? Nag bagong buhay ka naba? Aba himala!" patuloy ko siyang inasar.

"Oo. Kaya magbagong buhay ka na rin para hindi ka na hopia" ganti nito.

"Woah. Nagsalita ang di maka first moves ah?" patuloy ang pag-aasaran namin. Sinakyan na rin ng tatlo ang pang-aasar ko.

"Hindi ka nalang manahimik. Diba makikipagmeet-up kapa sa kuya mo ngayon?" Doon ako natahimik. Binigyan naman ako ng tingin ni Josh na para bang nagsasabing "see?". Napabuntong hininga ako.

Today is Wednesday 5pm. Ang usapan ay 7pm kami magkikita may 2 hours pa para makapaghanda.

"Tara inom tayo. Pampalakas ng loob---Aray naman!" halos sabay-sabay kasi nila akong binatukan.

"Anong inom inom? Haharap ka sa kuya mo nang lasing?" medyo inis na wika ni Stell.

"Kaunti lang naman" nakasimangot na wika ko.

"Bawal. Malay mo mababa pala ang alcohol tolerance mo. Edi lasing ka pa rin?" sabi naman ni Sejun. Mas lalo tuloy akong napanguso. Left with no choice, I go home.

Nagpahinga ako ng 30 minutes dahil medyo pagod. Nag-alarm naman ako kaya nagising din ako kaagad. I simply wear a white shirt and a rip jeans. I also bought a black cap with me. Mga 6:05 nang matapos na ako sa pag-aayos. Pagbukas ng pinto, nakita ko pa si Diko pero hindi ko na siya pinansin kahit narinig ko na tinawag pa niya ako.

Habang nasa tricycle ako, nakita ko ang chat ng ilang members.

Vester: Awiee reunited!

Josh: Chocolate.

John Paulo: Take it easy.

Josh: Huwag kang iiyak pare. Ay pwede naman palang umiyak sana lang makita ko ng ma-videohan kita paano umiyak.

Ken: Support!

I just ignored them. Dahan dahan akong bumaba ng tricycle at naupo sa plaza.

To: Kuya kong pangit.

Woii nandito na ako. Tignan mo nalang kung sino yung pinaka-gwapo na may suot na black na sumbrelo. Huwag mo akong bubudulin!!

From: Kuya kong pangit.

Kita na kita, ulol.

Agad akong napatayo at lumingon sa paligid. Then my eyes landed on a man waving at me. Papalapit ako ng papalapit sakanya ng biglang may naunang batang tumakbo saakin at yumakap sa lalaki na kumakaway saakin kanina. The little boy shouted 'daddy'. Anak niya? Nagulat nalang ako ng tumalikod ito kasabay ang anak at naglakad palayo. Hahabulin ko na sana ito ng mag-beep ang phone ko.

From: kuya kong pangit.

Hindi ako yan, tanga.

Napakamot ako sa ulo. Ano toh taguan? Then I saw another man looking at me too. I texted kuya.

To: Kuya kong pangit

Pag hindi ka pa toh ewan ko nalang.



Nilapitan ko yung lalaki. Nang makaharap ko na siya he smiled. He also look familiar. I think I already saw him somewhere?

Kuya? I ask. Then he smiled widely at me.

Ako nga Justin. I open my mouth pero walang lumabas. I'm shocked. He's wearing a stripe longs sleeve. Green and white ang stripe nito at naka maong shorts. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko na napigilan na yakapin siya. He hug me back.

"Tangna antagal kitang hinanap, kuya" masaya kong wika. "Finally... Finally" I uttered

"I miss you so much too, bujing ko" wika niya at ramdam ko na mas lalong humigpit ang yakap niya saakin kaya ganon din ang ginawa ko. Ilang minuto pa kaming ganon ng kusa na itong kumawala sa pagkakayakap.

"Must na?" tanong niya.

"Uhm, okay lang?" patanong na sagot ko. He chuckled.

"Tiyak na madami kang tanong saakin, pero okay lang ba kung ako na muna ang magtanong?" tanong niya so I nodded. "Musta na group niyo?" tanong niya.

"Medyo alanganin po" pag-amin ko.

"Ikaw, musta na?" tanong ko.

"Ahh eto, uhm, I'm a CEO now. May anak na rin na dalawa" kwento nito.

"Oh?! San sila??" excited na tanong ko

"Uhm, actually kasama ko ang panganay ko--oh she's here" wika niya at nakatingin siya sa likod ko. When I turned my back, panibagong pagkagulat ang naramdaman ko.

She's walking towards us and waving while smiling. Then nilampasan niya ako at niyakap si Kuya.

"Pa" she uttered. Humarap siya sakin ng nakangiti. Then I realized, hindi talaga pwede.

"Justin, Panganay na anak ko nga pala... Si Sharlene"


[This is what I want :Enaria_21]




This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon