18th Journey

33 2 1
                                    

Hindi po! Tanggi ko kaagad.

O c'mon Jah, You cant lie to me when it comes to alcohol. Hmm? That's our business! Remember, kami ang nagmamay-ari ng CSA Company? (Cullen's Santos Alcohol Company) wika ng ate ni Josh na si Ate Yuna. Dito muna ako tutuloy for now.

A-ano po kasi eh.. Uhmm.. Wa.. Di ako maka-isip ng palusot.

Wa? Nang-aasar na wika ni Ate Yuna.

Wa... Wawiee! Nai-usal ko. Hindi ko alam kung bakit yan ang nasabi ko. Pero hindi ito first time, everytime na wala akong masabi 'wawie' ang sinasabi ko.

Huwag kang mag-alala di naman ako galit eh. Ang akin lang, sana nagyaya kayo! Biro nito. At! Hindi ako nagbibiro. Dagdag nito. Nakakabasa ba siya ng iniisip ng tao?

Ahh sige po sa sus---

Huwag na. Pigil ni Josh. Pupungay pungay na ang kanyang mata.

Anong huwag na?! Bastos kang bata ka ah! Sermon ni Ate Yuna kay Josh.

Sis, Anong bata sa 27 years old? Mukha. Mukha lang bata pero 27 na ako. Ano ba? Medyo nagyayabang na wika nito.

Bakit kaya niyo bang uminom ng madami? Nakataas ang kilay na tanong ni Ate Yuna.

Well, Yeah. FYI my dear sister, Lima kami okay? Medyo iritang wika ni Josh.

Lima? Takang tanong naman nito.

Opo. May mga bago po kasi kaming kaibigan. Ako ang sumagot.

Wait. What?! Lilinawin ko lang ha, kaibigan NIYO. Kasama si Josh? At Hindi Kaibigan MO. Tama? Hindi makapaniwalang tanong nito.

Opo. Kaibigan po NAMIN. pag-uulit ko. Alam ko kung bakit ganyan ang reaksiyon ni Ate Yuna. Dahil tulad nga ng sabi ko, never pang nagkaroon ng kaibigan si Josh aside sakin.

Oh my gosh! Tumawag ka sa Cebu! Magpapa-lechon tayo!! Tuwang tuwang wika nito.

Ate! Ang O.A ha! Puna ni Josh sakanyang kapatid naiiling na lang ako habang nakangiti.

Buti pa sila, kahit 24/7 na nag-aaway alam mo pa rin na mahal nila ang isa't-isa. Unlike...

Napabuntong hininga nalang ako.

Nagulat nalang ako ng may umakbay sa leeg ko.

O c'mon my baby Justin, Why naman sad ka?? Smile na. Sabi ni Ate Yuna kaya nagpilit ako ng ngiti

Why so conyo naman? Josh said. Umirap nalang ang ate niya.

O siya alam kong pagod kayo. Don ka na sa guess room---ay sila pala aircon doon. Sa room ka nalang ni Josh matulog Jah, okay lang?

Ay wow ate, salamat naman at naisip mong pagod kami. May isip ka pal---Pucha! MasakEt! Si Josh nang matamaan ng lumipad na tsinelas.

Okay lang po ako don. Salamat po ulit. Wika ko. Maya maya ay pumasok na kami sa room ni Josh. Naglatag nalang ng isang kutson sa baba ang Yaya nila at doon ako nahiga. Dadaldalan ko pa sana si Josh pero narinig ko na ang mahiwaga niyang hilik.

Na-alala ko naman na hindi pa pala ako nagto-tooth brush. Pumasok ako sa banyo ng kwarto ni Josh. May banyo kasi siya sa loob ng kwarto niya.

Bigla kong naalala na wala pala akong toothbrush na dala kaya nagmumog lang ako. Napangiti ako ng makita ang pink na toothbrush ni Josh.

Tignan mo nga naman oh, kalalaking tao pink ang kulay ng tooth brush. Hmm wala namang masama dahil wala namang nagsasabi na para lang sa babae ang pink. It's our choice.

Bumalik na ako sa kutson ko at muling nahiga. Rinig na rinig ang malakas na hilik ni Josh.

Then, I look at my phone. Umaasa akong may text man lang si Diko ng..

'San ka?'

'Gabi na. Uwi na'

O kahit man pabalang lang na..

'Sinasabi ko sayong bata ka, umuwi ka na'

'Go home. Huwag mong hintayin na hilain pa kita'

Kahit ganon man lang? Kaso naalala ko..

Kuya ko nga pala siya and he is Julian de Dios.

Napapailing ako sa naisip ko pero napatayo at napatakip pa ng bibig sa gulat ng makita ang notif sa phone ko.

'Carl John de Dios sent you a friend request'

[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora