Journey 31

32 2 0
                                    

"One. Two. Three. Move your hips! C'mon guys! Energy! 8 7 6 5 4 3 2 1. Yes! One more time to left! And that's right!" Ganadong wika ni Teacher Hong. Hindi ba siya napapagod? Kasi ako, Pagod na pagod na!

"Yeah! Jump higher!" sigaw pa nitong muli. Napahawak ako sa tuhod at nag-habol ng hininga ng matapos kami. Ang ibang ka-grupo ko naman ay naupo na dahil na rin sa pagod. Napahiga pa nga si Josh eh.

"Guuuys! Stand up! From the tooop!" sigaw muli ni Teacher Hong pero walang gumagalaw samin. About 2 hours na rin kasi kaming nag-eensayo.

" O c'mon, Where's the spirit?!" tanong nito.

"Wala na po. Natanggal na sa katawan namin" biro ko. Narinig ko naman ang mahina nilang pag-tawa. Uminom muna kami ng tubig bago bumailk sa ensayo. 30 minutes pa kaming nag-practice sumayaw at isa pang oras para sa vocalization.

Pag-dating sa pagkanta talaga namang lumalamang sila Sejun at Stell. Lalo na si Stell na talaga namang kaya ang matataas na nota. Sa sayaw si Ken. At Sa pagrarap naman si Josh.

Hindi na kami naka-uwi dahil sa sobrang gabi na kaya dito na kami sa studio natulog. Nag-latag lang kami ng banig at doon nahiga.

Mga kalahating buwan na rin siguro kami nagt-training. Sa katunayan nga, may tatlong kanta ng nabuo si Sejun.

Tilaluha, Go up, and Alab.

Pero kung sakaling magde-debut na kami ay ang tilaluha raw ang gagawin naming debut song.

So far, maayos pa naman ang studies namin lalo na si Josh na talaga namang with honors pa. Malaki nga ang possibility na maging Magna Cum laude siya eh.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Training lang. Madalas na rin akong makagalitan ni kuya dahil sa gabi na ako maka-uwi sa bahay at palagi rin daw akong umaalis every weekend but who cares?

In the other hand, Si Kuya Cj naman ay patuloy pa rin sa pagtawag sakin thru phone. And he always use voice changer. But kahit ganon, sinusuportahan niya pa rin ako sa kung ano ang gusto ko. Madalas din niyang sabihin tuwing tinatanong ko siya kung kailan ba siya magpapakita ay 'sa tamang panahon' hindi naman niya sinasabi kung kailan. May inaasikaso pa raw kasi siya at para rin daw sa ikabubuti ko iyon.

6pm na nang umuwi ako ng bahay at nag-expect na may kung anong lilipad papunta sakin pero wala. Wala ring sermon ang bumungad sakin. Instead, nakita ko si kuya na naka-upo sa sahig kaharap ang mga papeles para sa kumpanya. Nadoon din sa harap niya ang loptop niya at mga... Alak? 5 bote ng wine ang nandoon. Ang apat ay ubos na at nasa sahig. Ang isa ay hawak naman ni kuya habang nakatunganga sa kawalan.

Anong itsura ni kuya ko? Butas ang tatlong butones at namumula ang mukha at dibdib. Gulo-gulo rin ang buhok niya at hindi pa pantay ang pagkakasuot niya sa salamin niya. He completely looks like a mess

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sa kanya at ayusin ang mga kalat niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Fuck it!" biglang wika nito. Napalingon lang ako sakanya saglit bago muling ibaling ang atensiyon sa mga bote na inaayos ko.

"Heaven Company huh? Psh! They're not heaven they are hell! A fucking hell!" sigaw nitong muli habang nakatingin pa rin sa kawalan. Sunod ko namang inayos ang mga papeles niya.

"Jah, Ano nang gagawin ko? May kumakalaban sa kumpanya natin! Fuck it!" he said.

"Ewan ko sayo" mataray kong wika. Inalis ko naman ang hawak niyang bote ng alak. Inalalayan ko siyang tumayo at inihatid sa kanyang kwarto. Nang malapag ko na siya roon ay minasahe ko pa ang balikat ko dahil sumakit ito.

Pinagmasdan ko siyang natutulog. Halatang problemadong problemado.

"Ayan na ang karma mo" i said bago lumabas ng kwarto niya.



[This is what I want: Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora