Journey 27

36 3 0
                                    

*Sigh* Anlayo na ng narating niya. Rinig kong bulong ni Stell kanina pa siya wala sa sarili niya. Kanina pa naming napapansing apat. Tinignan ko naman ang tinitignan niya. It was a poster of Maris.

Malungkot siyang ngumiti.

Tinignan ko si Josh at nakita ko na tinititigan niya si Stell.

Pag-ibig nga naman. Sabay sabay naming sabi kaya natawa kaming pare-pareho.

By the way, are you guys inlove? Sejun ask.

Hindi pa ba halata? Tanong ni Stell kaya bahagya kaming natawa.

Yup. Si Josh.

Uh, Crush lang yung aken. Pag-amin ko. Then we all look at Ken.

Lahat naman ata ng tao naiinlove. Wika nito.

Bakit parang may hugot? Tanong ko.

Joke lang sabi ko nga. Bawi ko ng makitang seryoso ang mukha nito.

Napatingin ako sa nag-chat sakin.

Kuya kong pangit:

Pataba ka.

I smiled. Pinalitan ko ang nickname niya ng 'kuya kong pangit' dahil inaasar ko siya na panget siya kasi ayaw niyang mag face reveal.

He also change my nickname into 'Gwapong payat'

I replied at him.

Me:

Pagwapo ka ah ;)


Pansin ko na may apat na pares ng mata ang nakatingin sakin habang naka-ngisi. Napairap nalang ako.

Si kuya yun. Huwag kayong issue. Paglilinaw ko.

Nagkakamabutihan na kayo ah? Did you meet already? Tanong ni Ken. Umiling naman ako.

May aasikasuhin pa raw siya. Hindi ko nga alam kung fan ba siya ng aldub at tuwing tinatanong ko siya kung kailan pwede lagi niyang sagot "sa tamang panahon". Ginaya ko pa ang boses ni Wally Bayola kaya natawa sila.

Oh mga bata. Humayo na kayo. Ma-la-late na kayo. Pagtataboy samin ni Sejun.

Yes po, leader. Kantyaw namin. Simula kasi nang pumirma kami sa kontrata ganyan na ang tawagan namin pero nagaasaran lang naman kami.

Nagpunta na kami sa mga kanya-kanya naming klase. After an hour, Nagsilabasan na kami.

Hindi naman kami pare-pareho ng sched kaya hindi kami sabay sabay na pumunya sa Showbt building.

And yes, speaking of, Showbt is the name of the company.

Pagdating ko, nandoon na si Stell at Sejun. Maya-maya ay may tumapik sa likod ko. Si Josh.

Nag-quit na rin pala ako sa part time job ko sa cafeteria. Sabi kasi ni Sejun, baka raw ma over fatigue ako. Kaya pinagpahinga niya na ako.

It's already 5pm. Ang training natin ay 5-8pm. We should not waste time---wait where's Ken? Tanong ni teacher Hong.

Sorry Late! Biglang dating ni Ken

50 push up. Now. Sersyo na wika ni Teacher Hong.

Awit sayo Ken.

Ho? Medyo kita sa mukha ni Ken ang pagkalito at ang takot.

Rule#1. Everytime na ma-la-late kayo. May parusa. You're 5 minutes late so 50 push-up.

Napabuntong hininga nalang si Ken bago simulan ang 50 push ups. Habang nagpupush-up siya kita sakanya ang mga biceps niya.

Sana oil may biceps.

After a minute natapos na siya. Parang wala lang sakanya yun at parang madali lang sakanya. Siguro sanay na siya mag-excercise.

Lahat kami napatingin kay Teacher Hong nag magsalita ito.

Get ready guys. We will start your training now.





[This is what I want : Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon