Journey 33

35 1 0
                                    

Murderer ka boi? Asar sakin ni Ken. Oo natututo na rin siyang mang-asar dahil sa magagaling na mga tropa ko. Ilang beses na nilang pinanood ang project namin at pinaulit-ulit pa nila. Lalo na sa last part kung saan pinatay ko ang leading lady.

Alam ko na kung bakit ikaw pinili diyaan. Kase your a psychopath! HAHAHAHHA. Tawa naman ni Sejun. Isa pa toh.

Anong pinili? Ako ang nag-direct niyan noh. Pagmamayabang ko.

Ahh. So ibig sabihin, ikaw. Sa sarili mo, alam mo nang psychopath ka talaga?! HAHAHHA. Justin as himself. A crazy man! kantyaw ni Josh. Malakas ko naman siyang binatukan kaya nabilaukan siya sa kinakain niyang fishball. Ako ang tumawa ng malakas pero malakas na batok naman ang natanggap ko mula kay Stell na masama na ang tingin sakin. Actually lahat sila.

Ano?! Bumabawi lang noh! Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Loko ka! May balak ka bang patayin si Josh?! Medyo inis na wika ni Stell. Kasalukuyang umiinom ng palamig si Josh.

Meron. Bored na wika ko. Nakita ko naman na papalapit na si Josh saakin kaya agad akong tumakbo. Balak ata akong sakalin!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng Showbt building dahil nagt-training kami at break time namin!

Hoy bumalik ka dito! Yayakapin lang kita ng mahigpig sa leeg dahil miss na miss na kita! Wika nito. Nilingon ko naman siya agad at binelatan. Patawid na ako ngayon sa kabilang kalsada.

You wish! Okay na kong walang kayakap----AHHHHHHH!

JUSTIIIIIIIIN!! Sigaw ni Josh ng mapa-upo ako sa kalsada at muntikan masagasaan ng isang magarbong sasakyan. Buti nalang at naihinto ito kaagad.

Dali-daling bumaba ang lalaki sa sasakyan at dali-dali ring tumakbo si Josh papalapit sakin.

Jah, okay ka lang?! Tanong ng lalaki na muntikan maka-bunggo sakin.

Okay lang po. Hindi naman ho ako natamaan----Teka. Kilala niyo ho ako? Tanong ko dahil tinawag niya ako sa pangalang 'Jah'

Tinulungan niya muna akong makatayo. Pinagpagan ko naman ang sarili ko.

Wala bang masakit sayo? Gusto mo dalhin kita sa hospital? May natamaan ba? Sunod sunod na tanonv nito at alalang alala ang mukha nito habang tinitignan ang katawan ko kung may galos ba ako. Nagkatinginan naman kami ni Josh.

A-ayos lang po ako. Paano niyo nga po ulit nalaman ang pangalan ko? Tanong ko sakanya.

Y-yun ba? I met you in café last time. Don't you remember? Narinig ko na tinawag kang 'Jah' ng isang crew doon. Naalala ko lang. Explain nito. Pinagmasdan ko naman ang mukha niya at naalala na siya yung weirdong lalaking nagtanong sakin ng full name ko.

Ahh. Opo. I remember you. Hehe. Sige po mauna na ko. Paalam ko.

Sure kang ayos ka lang? Wala ng masakit?

Wala na po. Sige po. Bye!

Mm. Take care. Wika nito. Aalis na sana ako kaso nakita ko si Josh na titig na titig sa lalaki. Bahagya ko siyang tinapik sa balikat. Natauhan naman siya kaya inalalayan niya ako maglakad.

Do you know that man? Tanong niya sakin.

Mm. Customer noon. Pero hindi naman kami close. Kwento ko. Inaalalayan ako ni Josh dahil iika-ika akong maglakad. Nang makarating sa studio ay taka nila akong tinignan.

Anyare sayo? Tanong ni Sejun.

Muntikan masagasaan. Wika ko.

Ano?! Sabay sabay na wika nila at napatayo pa. Agad ko naman silang pinaupo. At kinuwento ang nangyari. Ilang saglit pa, my phone rang. It was my professor at pinapapunta ako sa school.

Nagpaalam ako sakanila pero sumama pa rin sila dahil nagaalala pa rin daw sila about sa incident kanina.

Kumatok ako sa room kung nasaan si Sir.

Sir. Tawag ko ng atensiyon nita. Lumingon naman ito saakin.

Oh. Mr. De Dios. You're here.

Yes po. Bakit niyo po ako pinatawag?

Napabuntong hininga muna ito bago tumingin sakin.

Sorry to say but... He paused so I felt nervous.

... You need to repeat your thesis.




[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now