Journey 45

33 3 0
                                    

"A-anak?" gulat na tanong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Mas nadagdagan ang mga tanong ngayon sa isipan ko. Like, Paano?!

Alam ko na umalis noon si Kuya dahil nakabuntis siya but.. The hell?! Sharlene and I are same age!

"Yes. Anak" pagka-klaro ni kuya. I saw Sharlene wave at me a little so I gave her a small smile.

"Pero paano kuya? Same age kami at bakit San Pedro yung surname niya? Why not, De Dios?" they chuckled. Ano nanaman ba ang nakakatawa?!

"I'm adopted" Sharlene said. Sa simpleng sagot niya ay nasagot niya na lahat ng tanong ko. That's it! They don't have the same surname kasi a-ampon siya. Isa pa, maaring ka-edad ko si Sharlene ng ampunin nila ito.

"S-sorry to hear that" hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. For the second time, Sharlene chuckled.

"Don't be sorry. Thankful nga ako at inampon ako ni Dad na kuya mo dahil sakanila umayos ang buhay ko. Nang dahil sakanila, nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Nang dahil din sakanila, may tirahan ako at nabibihisan ako ng maayos. Higit sa lahat, Nang dahil sakanila, may matatawag akong 'pamilya' na tunay na nagmamahal saakin at sumusuporta sakin" mahaba niyang wika. I smiled but I know that it's a bitter smile.

Nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw at minsan ay Higit pa, Mayroon akong tirahan at nabibihisan din ako ng maayos. But.. Do I have a family who loves me and support me?

I sigh.

"May problema ba, Jah?" biglang tanong ni Kuya. Nginitian ko siya at umiling.

Niyaya kami ni kuya sa isang five star restaurants. Naka-VIP pa kami kaya alam ko na may kaya nga sila.

"Pwede ba magtanong Justin about sa buhay mo? I want to know you better" paghingi ng permiso ni Kuya.

"Sure po"

"First, how are you?" natigilan ako sa ginagawa ko. Napatitig ako sa hita ko at mahinang tumawa bago nag-angat ng tingin. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila.

"I forgot, You can ask me anything huwag lang yan. Kasi tinatanong ko rin ang sarili ko kung ayos lang ba ako" mapait kong tugon. I heard kuya cleared his throat.

"Sorry about that, by the way, nabalitaan ko na graduated ka raw ng multi media arts, tama ba?" tanong nito. I smiled.

"Yes po"

"Congrats"

"Huh? MMA? Hindi ba, business ang kinukuha mo?" tanong ni Sharlene napakunot ang noo ko.

"Yeah but..... how did you know?" tanong ko.

"Ahh, Friend ko kasi si Tatang Robin. Naikukiwento ka niya sakin minsan tapos si Josh rin kasi medyo binubully yung friend ko. Diba friend mo si Josh?" tanong niya. Pinigilan kong mamula dahil sa sinabi niya na naikukuwento raw ako ni Tatang.

"Loko loko na ngayon si Santos ha" kumento ni kuya. Natawa naman ako.

"Sobra. Pero yung friend mo ba na tinutukoy mo ay si Colleen?" tanong ko kay Sharlene.

"Oo."

"Mm. Masiyadong mahaba ang kwento paano ako nalipat sa MMA eh" wika ko. Tumango naman sila.

"Boy group kayo diba? Nu pala name ng group niyo?" tanong ni kuya. Binaba ko ang kubyertos na hawak ko at tumingin kay kuya nang may malawak na ngiti. Then I proudly said...

"SB19"

"Ohh. Nice name. Paano pala nabuo yung SB19 na name?" curios na tanong niya.

"Well, ganito yan, pinagsama namin ang country code ng Philippines at Korea since Korean entertainment ang company namin. 63 ang country code ng Pinas at 82 naman ang sa Korea so bale 6+3+8+2=19. Tapos yung SB naman ay short term ng SHOWBT na company namin" kwento ko.

"Mathematician ba naka-isip ng pangalan niyo?" tumawa siya. "Musta pala yung bago niyong single na 'go up' any update?" tanong niya. Magsasalita palang aana ako when I saw Josh calling me. Alam ko na alam ni Josh na kausap ko ngayon sila kuya kaya naisipan ko na importante ang sasabihin niya. Tinaas ko ang isa kong daliri indirectly saying" wait a minute" or "excuse me". Then I answered the call.

"Why?" medyo pabulong ko. Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatayo pa sa gulat

"What?!" gulat na wika ko. Ramdam ko ang pagtingin ng ibang customer saakin.

Inulot ni Josh ang sinabi niya.

"Tol! 1 million na kaagad ang views ng go up! Tapos may 3k likes na and 6k comments! Dude! Sikat na tayo"





[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now