Journey 24

32 1 0
                                    

Medyo lutang akong pumuntang cafeteria dahil na rin sa sinabi ni Tatang na kabilang kami sa isang group.

Ang tanong, anong group naman?

Grupo ng mga gwapo?

Tsk! Talagang kasali ang isang Justin de Dios diyaan.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Tatang kanina.

A visual, The vocalist, Charismatic, Main dancer, At leader? Magulo. Magulong magulo. Tulad ng nasa harap ko ngayon.

Ano nga po kasing order niyo? Medyo naiinis ko ng tanong.

Kape nga. Inis na wika din nito. Malamang Kape eh cafeteria ito eh.

Sir, Madami po kasi kaming uri ng kape. Anong kape po diyan? Mayroon po kaming---

May kape kayong matapang? Yung kaya akong ipaglaban? Biglang tugon nito. Gulat naman akong napatingin sakanya. Brokenhearted.

Bigla naman akong tinapik ni RJ isa sa mga ka-trabaho ko.

Ako na diyan. Prisinta nito.

Sure ka? Tanong ko.

Oo. Kakilala ko yan. Ako na. Tumango naman ako.

Muli ko pa silang nilingon. Nakita ko na blangko ang ekspresyon ni RJ habang kausap ang lalaki. Ang lalaki naman ay salubong ang kilay. Nagkibit-balikat ako.

Jah. Table 27. Wika naman ng isa ko pang ka-trabaho. Kinuha ko ang tray na may laman ng mga order nila. Hinanap ko ang table 27 at nakita ko na ang tatlo pala ang naka-upo doon.

Malaki na ang ngisi na nakatingin sakin si Josh. Nilapag ko na ang order nila.

Enjoy your foods, Sir. Bati ko na para bang hindi sila kilala.

Tsk. Baka may lason to ah. Asar ni Josh.

Yung sakanila po wala, yung sayo hindi natin sure. Pambabara ko.

Ay! Ganyan? Nasan manager niyo? Pabiro nitong tanong. Napailing nalang ako bago bumalik sa may pwesto ko. Pagbalik ko doon wala na sila RJ pati ang lalaki. Nagpalinga linga ako pero wala talaga.

Excuse me. May I order an--- nabaling ang atensiyon ko sa lalaki sa harap ko na um-order.

Yes sir? What's your order again? Sorry. Tanong ko dahil hindi ko narinig ang in-order niya. Pero may sinabi ba siyang order niya? Nagtaka ako ng nakatulala ito saakin at... Ewan parang.. Nakakita ng multo---este gwapo.

Uhm, sir? Hellooo~ kinaway ko pa ang kamay ko malapit sa mukha niya at doon siya natauhan.

Bakit ba ang weweird ng mga tao ngayon?

May I know your name? Bigla nitong tanong. Naka-formal attire ito. Brush up hair. Halatang may kaya. Bahagya ko namang hinawakan ang name tag ko kaya napa tingin siya doon.

Justin po. Magalang kong sabi.

Your surname? Okay weird na weird talaga.

Sorry sir pero bawal po eh. Wika ko. Mahigpit na pinagbabawal ang pagbibigay namin ng buong pangalan sa customer para din daw may privacy.

Okay I understand. One frappucino---kumain ka na ba? Luh.

Uhm, yes po. Uh, One frappucino that would be... Php 150.00

Then he handed me a 500 pesos.

Sinuklian ko naman yun pero sabi niya ay keep the change kaya nagpasalamat nalang ako. Nang maibigay ko ang order niya ay sumlyap pa itong muli bago lumabas.


7pm na ng matapos ako. Nakipagkwentuhan naman muna ako dito sa apat.

Group? Ano k-pop group? Tanong ni Stell. Ikinuwento ko kasi ang narinig ko kanina.

Sira. Paanong magiging k-pop eh pilipino tayo. Si Jah mukhang koryano pero pinoy pa rin. Puna ni Sejun. Napaisip naman si Stell at humawak pa sa baba

Kung ganon...

Sabay sabay kaming napatingin sa isa't-isa. At sabay sabay na nagwika..



P-pop?





[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now