8th Journey

45 2 2
                                    

Alam kong alam ng lahat ang pakiramdam ng pagpipigil ng tawa in a wrong time.

At ako na mababaw ang kaligayahan, ay nasa peligro ngayon.

Nag-kwe-kwento kasi si Stell about sakanila ni Maris but there's one person na mukha ng angry bird dito.

Si Josh.

Sinmaan niya ako ng tingin.

Napag-alaman namin na mahilig si Stell na kumain ng strawberry kapag naiistress siya tulad ngayon.

Ayun na nga, we've been friends for about 3 years. Ayoko.... Ayokong masira iyon ng dahil lang sa.... Sa... Sa....

Dahil sa pag-ibig mo sakanya? Si Josh ang nagtuloy ng sasabihin ni Stell dahil hindi na ma-iwika ni Stell ang nais niyang sabihin. Rinig na rinig ko ang pagka-bitter sa tono ni Josh.

Huwag kang tatawa, Jutiin! Huwag kang tatawa. Konti na lang.

Oo dahil sa pag-ibig ko sakanya----hindi! Hindi! No! Friends lang kami. Biglang pagde-deny niya.

Iyan ang problema sayo, mah prend. Sabi ni Sejun na naiiling pa. In-denial ka kasi.

Enkk! Biglang sabi ni Stell na pinagkrus ang dalawang kamay. Iba ang in-denial sa nagsasabi ng totoo. Know the difference mah prend. Wika nito.

Suuus. Then look at me in the eyes then sabihin mo na 'hindi mo mahal si Maris' utos ni Sejun. Tumingin naman si Stell sakanya. Pero hindi nagsalita.

Ehhh! Kasi namaaan! Bakit kailangan pang tumingin sa mata?! Nakakabakla! Wika nito. Tumawa kami ni Sejun. Alam ko ang dahilan ng hindi pagtawa ni Josh. Siyempre si Ken eh once in a blur moon mo lang ata makitang tumawa.

Okay, iba nalang. Just tell me na 'hindi mo na gusto si Maris' napakasimple diba? Sarkastikong tanong ni Sejun. Di.. Ba? Ulit nito.

Napalunok muna si Stell bago magsalita. H-hindi k-ko s-siya mahal. Utal na wika nito. Napangising muli kami ni Sejun.

Now, sabihin mo... 'Hindi ko mahal si' tapos may sinabi siyang pangalan. Nagtataka man ay diretso niya itong nabigkas.

See the difference? Bakit hindi mo masabi ng diretso nung pinapasabi ko sayong 'hindi mo na mahal si Maris'? Pero sa ibang tao, kaya mo naman. Sa tingin mo, bakit? Makahulugang tanong ni Sejun. Bagay maging leader toh.

E-ewan. Dahil sa... Tensiyon? Patanong na sagot ni Stell. Makailang ulit pa itong malunok.

Bakit naman magkakaroon ng tensiyon? Nakangisi at napataas pa ang kilay ni Sejun. Nang silipin ko si Josh ay blangko lang ang emosyon nito.

Anyare?

K-kasi ano... Hindi... Hindi... Hindi k-ko din alam? Hirap na sabi ni Stell.

Think about it my friend. Think carefully and wisely. Seryosong wika ni Sejun.

Ano tara lunch na? Sabi niya bigla.

Kayo na lang kumai----Shit! May pasok tayo! Gulat na wika ni Josh. Nanlaki naman ang mata naming tatlo. Ako, si Ken, at si Stell. Nagkatinginan muna kaming apat bago napatakbo.

Nagsisisi na ako bakit hindi ko dinala yung kotse ko! Sigaw ni Josh

Napakabait naman kasi naten, para alalahanin yung polluted air! Bahala na sila sa susunod di naman pala tayo presidente! Reklamo ko din.

Maya-maya ay hinirang pa kami ng guard bago papasukin para isulat ang names namin dahil late kami.

Then, agad kaming nagpaalam sa isa't-isa

Bye Ken! Si Josh.

Oy, Stell, Ken, Kitakits nalang mamaya! Ako.

Mm. Sino pa ba edi si Ken.

Paalam sainyo. Mauna nako. Bye! Si Stell.

Agad kaming tumakbo ni Josh sa room namin pareho kasi kami ng schedule pero agad ding napahinto ng buksan namin ang pinto ng room namin at makita kung sino ang nagtuturo.

Now we're dead. Ani Josh.

Prof. Jones. Mahinang wika ko. Ang ptof na nakasagutan ni Josh.

Yareeeee!

[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon