Journey 32

38 1 0
                                    

Medyo kinakabahan at busy na kami this time dahil base kasi kay Tatang pinaplano nilang mag-debut kami next month.

Medyo matagal na rin kasi kaming nat-train. At base nga sa plano namin, Tilaluha ang magiging debut song namin.

Ewan ko ba, pero feeling ko ako ang pinakakinakabahan sa amin dahil hindi alam ni Kuya na sumasali ako sa ganitong group.

From: Kuya kong mabait

Let's talk.

Hmm. Hindi nga ba?

Ano naman paguusapan namin? Kung ano man yun, alam kong hindi maganda. Ganon naman lagi, Tuwing nag-uusap kami nauuwi sa away.

At hindi ako nagkakamali.

Walang magandang dulot ang pagsasayaw na yan! Stop that nonsense thing! Sigaw niya saakin.

The hell?! You called it nonsense thing?! I said with disbelief. Ikaw ang walang kwenta together with your freaking company---

Napahawak ako sa labi ko ng may tumulong dugo roon dahil sa suntok na natanggap ko.

What a jerk?! Ang kumpanya na toh ang bumuhay sayo! Wala kang utang na loob!

Ahh, so you're saying na dapat akong magpasalamat? I said sarcastically. Then fine! Thank youuu company at binuhay mo ak--

Double punch. Medyo nahilo pa ako ng makatanggap akong muli ng suntok. Isa pa ako na ang susuntok. Makikita mo.

Naghihirap na ang kumpanya natin! At dahil sayo yun! Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ang sinasapit ng kumpanya!

Tangna? Bat nanaman ako?

Don't blame me! Ikaw ang dahilan kung bakit naghihirap ang kumpanya! So don't fucking blame me!! Galit ko ring wika. Kita na ang mga dugo sa damit ko kaya bahagya kong pinunasan ang labi ko.

Magsasalita pa sana ito pero pinili niya na itikom na lang ang bibig. Halata na may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Nakunot ang noo ko.

Meron kang hindi sinasabi sakin, tama? Tanong ko sakanya. Napalunok ito at napa-iwas ng tingin.

Got you!

Bakit hindi ka makapagsalita? Nanghahamong wika ko.

Hindi lahat kailangan mong malaman. Wika nito.

Ahh ganon? Kung hindi naman pala lahat kailangan kong malaman kahit parang may kinalaman na saakin... Then hindi rin lahat kailangan mong malaman. Pagkasabi ko non ay padabog kong hinablot ang bag ko at nilayasan siya.

Maya-maya ay nagtext si Ken.

From: chiKEN

Asan ka? Nag-solo ka raw bang kumain? tanong ni Josh. Sasabay ka raw ba?

Chat nito.

To: chiKEN

Sasabay ako wait lang. May dinaanan lang.


From: ChiKEN

👍

Nagpunta na ako sa resto kung saan naroroon ang apat. Nang makita nila ako ay medyo nagtaka pa sila. Tumayo si Sejun at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Ano yang nasa uniform mo? Dugo ba yan? Naki-pag away ka? Tanong ni Stell. Tumango lang naman ako.

Nakipag-away kang mag-isa mo? Bat di ka nag tawag ng resbak? Tanong ni Josh. Hindi ko siya sinagot at tumunganga lang ako sa kawalan.

Maya-maya ay bumalik si Sejun bitbit ang medicine kit. Hindi ko alam kung saan galing iyon.

Gamutin mo sarili mo. Wika nito kaya kinuha ko iyon at nagsimulang gamutin ang sugat sa mukha.

Hindi mo pa sinasagot ang tanong ni Josh. Nakipag-away kang mag-isa? Tanong muli ni Ken.

Ahh. Si kuya mo noh? Josh.

Alam kong gets na nila iyon kaya di na ko nagsalita pa.





[This is what I want:Enaria_21]



(A/N: Yup! Medyo nagmamadali ang otor kaya laging naka-lagay ang 'makalipas ang ilang buwan'. Hindi ko na siya papahabain dahil kapag pinahaba ko pa eh baka mawala na sa path ang story. Malapit na rin ang climax so stay tune! Love lots!)

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now