10th Journey

38 1 0
                                    


Masungit na pandak calling.

Oh asan ka na? Agad na tanong ni Josh ng sagutin ko ang tawag niya.

Anong asan na ako? Eh malamang asa bahay. May usapan ba tayo? Taka ko namang tanong. Wala naman ata kaming napag-usapan na magkikita kami ngayon ah.

Huh? Akala ko kasi napalayas ka na sainyo. HAHAHHA. At tumawa pa ang loko.

Kung wala kang magandang sasabihin, ibaba ko na toh. Inis na wika ko. At akmang ibaba na ang phone ng marinig kong magsalita siyang muli.

Joke lang. Ano nga? Bat ka pinagalitan? Usisa nito.

Bakit alam mo na napagalitan ako?

Dude, hindi halata. Sarkastiko nitong sagot.

Psh! Gagi. Si Diko ata ang may-ari ng cctv dito eh. Alam niya lahat ng nangyayari. Kwento ko.

Bakit? Alam niya na nakipag-suntukan ka? Tanong nito.

Oyy, di naman ako sumuntok noh. Pagtatanggol ko.

Okeey. Pero kasali ka pa din doon. Sana kasi di kana nakisali at alam mo namang mapapagalitan ka. Payo nito.

At ano? Panoodin kayong nahihirapan sa mga suntok nila habang ako, nakatunganga lang? Ayokong maging sagabal sa tropa. Josh. Sagot ko.

Kailan ka pa naging sagabal? Medyo naiinis na wika nito.

Ewan ko. Feeling ko kasi napaka-sagabal ko. Pag-amin ko.

Bakit mo naman nasabi yan? Tanong nito. Dahil hindi ka marunong sumuntok? Pahabol pa nito.

Oo.

Hindi porket hindi na marunong sumuntok sagabal ka na. Remember kung paano mo sila natalo ng dahil sa diskarte mo, hmm? Pagco-comfort nito sakin.

Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi lang naman kasi yun eh.

Nung nakipag-sagutan siya kay Prof. Jones, wala akong nagawa.

Nung nakipag-away siya sa bilyaran, kung hindi pa siya sumugod non para tulungan si Ken, siguro hindi din ako makaka-sugod dahil sa takot.

Dito naman sa bahay, wala akong naitutulong dahil si kuya ang umaasikasong lahat.

Hays...

Justin niyo sadboi na.

Hey. Nandiyan ka pa din ba? Biglang tanong ni Josh sa kabilang linya.

Oo. San ba ko pupunta? Sarkastiko kong tanong gamit ang malumanay na boses. Sige na. Ibaba ko na toh. Medyo napagod din ako eh. Paalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad ko na itong binaba.

Nahiga ako sa kama ko. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang isang braso. At nag-isip.

Ano kaya ang nauna, orange na prutas o orange na kulay?

Ano kaya size ng paa ni Cinderella? So buong kaharian, wala siyang ka-size?

Grabeh ansakit sa ulo isipin. Edi huwag mag-isip. Easy.

Kapag may iniisip kayo tapos sumasakit ulo niyo kunwari nalang dahil sa math, schoolworks, sermon ni nanay. Iniisip mo ba kung napatay yung gasol bago ka lumabas, huwag ka na lang mag-isip para di sasakit ulo mo.

Naisipan kong buksan ang phone ko para mag-fb. Tatlong  notif ang natanggap ko.

Feliphe John Suson sent you a friend request

StellVester Ajero Sent you a friend request

In-accept ko yun. Pero itong isa.... Sino ba toh?

Sharlene: hoy asan ka na!

Asa message request ko iyong message nung Sharlene. Tinignan ko muna ang profile niya.

Sharlene San Pedro. 31 mutual friends. Friends with Josh Cullen and others.

Same school kami. Pero ulet, Sino toh? Nag-message itong muli.

Sharlene: Hoy ano, uso mag-reply!

Tangna pano ko mag-rereply kung di naman kita kilala.

Minessage ko si Josh.

To: Masungit na Pandak

Hoy, kilala mo yung Sharlene San Pedro?

Tanong ko.

From: Masungit na Pandak

Tanga. May BF na yan.

Reply nito.

To: Masungit na Pandak
Pake ko? Nagtatanong lang sira.

From: Masungit na Pandak

Weh? Bat mo tinatanong?

To: Masungit na Pandak

Eh nag-message eh. Di ko naman kilala.

Tapos sinend ko ang screenshot.

From: Masungit na Pandak

Ewan. Basta ang alam ko lang, same school tayo ng pinapasukan.

Hindi ko na ni-replyan ito. Kaso nag-chat nanaman yung Sharlene.

Sharlene: Ano ba?! Ano seen lang? Marunong ka nang mag-seen seen? Tatawagan kita kapag pinatay mo lagot ka talaga sakin!

Bago pa ako makapag-reply ay tumawag na ito. Video call. Napabuntong hininga akong sinagot ang tawag.

Nang sagutin ko ito, isang babae ang bumungad sakin, bilugan ang mukha. Maikli ang buhok, maputi. At may bangs.

Hoy! Marunong ka ng mag-seen ngayo----Teka sino ka?! Tanong nito.

Ikaw sino ka? Tanong ko din.

Huh? Ako ito. Ikaw sino ka? Bakit hawak mo phone ni Donny?

Lol. Phone ko to miss. Medyo natatawang  wika ko.

Huh? Takang wika nito. Nakita ko naman na nagpipindot ito sa phone niya. Maya-maya ay nanlaki ang mata niya.

Ay sorry kuya! Gagi wrong send! Wrong number! Bye!

Natatarantang wika nito at agad na pinatay ang tawag.

I chuckled. Then I smile.

I find her cute.

[This is What I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now