Journey 49

42 1 0
                                    

Simula ng mamatay si Dad, si Justin na ang sinisi ko. Sa kanya ko binuntong ang lahat. Ang lahat lahat.

I'm proud of him.

Sa pagiging matibay niya sa kabila ng ginawa ko sakanya. Sa lahat nang paghihirap niya at sa panahong nag-iisa siya..

Proud ako sakanya.

"See?" taas noo niyang wika. "I told you we can do it" masayang wika niya. Kita mo sa mga mata niya ang saya niya na sa wakas... May napatunayan na siya sakin.

I want to hug him right now and congratulate him but I can't.

Hindi ko pa kaya na sa kabila nang ginawa ko ay bigla bigla nalang akong lalapit sakanya.

Babawi ako.

Pinatili kong walang emosyon ang mukha ko at nilampasan siya. Akmang lalabas na sana ako nang marinig kong magsalita siya mula sa likod ko.

"Wala bang congrats diyaan?" tanong niya. Mahina akong napabuntong hininga at walang ano-anong nilampasan siya.

Soon.

I know Justin, he's a soft hearted guy and I know na isang sorry ko lang ay papatawarin niya na ako and I don't want that.

Gusto kong mag-effort this time.

I called Rappl may secretary.

"Yes sir?" sagot niya sa tawag ko.

"Cancel all of my meetings" bigla kong sabi. "Appointment rather. Lahat ng appointment ko. I-kansela mo" pagtatama ko.

"Pero sir, meron ho kayong 3 important meetings mula sa malalaking kumpanya. Makakatulong ho iyon para---"

"Just do what I said. Kung nagtanong sila kung bakit ay sabihin mo emergency. Pag nag back out sila then..." bumuntong hininga muna ako. It's now or never. Mas mahalaga ang kapatid ko kaysa sa kumpanya. Nang dahil sa kumpanya na yan ay muntikan na kaming magkasira ni Justin....Hindi pa ba?   "... Let them be. Huwag mo na silang pipigilan. It's their choice. Their lost, not mine"

"No sir---"

"Hep! Just do what I said, okay? I already decided. No but's. Kuha mo?" seryoso kong wika.

"Y-yes sir. Ic-cancelled ko po lahat ng appointment niyo"

"Good. Meron pa akong isang favor"

"A-ano po y-yun?" pinigilan kong matawa dahil sa utal na boses niya. I can imagine her face right now.

"Alamin mo lahat ng schedule ni Justin for one week. Sa buong linggo na toh. Send mo sakin" utos ko.

"Opo"

"Yun lang. Goodbye" matagal siya bago nakasagot. I know the reason. Never akong nag-'goodbye' sa kahit na kaninong empleyado ko. Kahit na pagbati ay hindi ko rin ginagawa. Nang hindi na siya magsalita ay ako na ang nag-end ng call.

Next naman ay pumunta ako sa Heaven Company. Kailangan kong lunukin ang pride ko alang-alang sa kapatid ko. Pumunta ako sa information center nila.

"Can I see Mr. Carl Josh De Dios right now?" tanong ko sa babae. Nagtitingin muna siya sa isang notebook bago tumingin muli saakin.

"May appointment po ba kayo kay Mr. De Dios?" tanong nito saakin. Napailing naman ako.

"Wala. Free ba siya ngayon?" tanong ko.

"Opo kakatapos lang ho ng meeting nila. Uhm, tawagan ko po muna si Mr. De Dios at sabihing naririto kayo. Sino nga ho ulit kayo?" tanong nito. I smiled.

"Julian De Dios" nakangiti kong wika. "His brother" dagdag ko kahit hindi naman niya itanong. Alam ko na parang nagtaka yung babae at parang hindi pa naniwala pero nag-dial pa rin siya.

Maya-maya lang ay bumaba na si Cj. Malaki ang ngisi nito saakin. Ginawa ko namang walang emosyon ang mukha ko.

"Wazzup, my dear BROTHER" hindi ko alam kung sarkastiko ba ang pagtawag niya sakin ng 'brother' o ano. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"I need your help"



[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon