Journey 47

39 2 0
                                    

"See?" taas noo kong sabi. "I told you kuya, We can do it" pagmamayabang ko pa dahil totoo naman na may ipagmamayabang ako, kami.

Tinitigan niya lang ako at walang ka-emo-emosyon ang kanyang mukha. Nang walang ano ano ay nilampasan niya ako at akmang lalabas na ng bahay nang magsalita ako habang nakatalikod sakanya.

"Wala bang congrats, diyan?" tanong ko at hindi iyon sarkastiko. Umaasa talaga ako na babatiin niya ako but of course.... Kuya Yani is Kuya Yani. Hindi niya ako binati at tuluyan nang lumabas.

Masaya ako dahil unti-unti na kaming umaangat. Masaya ako dahil nakita ko na si Kuya Cj. Masaya ako at hindi ko na kailangan na magtrabaho sa kumpanya namin. Masaya ako dahil lahat nang paghihirap namin ay unti-unti nang nasusuklian.

Pero...

Nalulungkot ako at dismayado dahil sa kabila ng lahat.. Pusong bato pa rin si Kuya at hindi pa rin niya ako kayang batiin. Kahit isang sarkastikong 'congratulations' lang tatanggapin ko pa pero hindi. Napabuntong hininga ako sa sariling naisip.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung mag-viral kami dahil sa go up. Madalas na rin akong makipagkita kay Kuya Cj. Minsan pa nga ay kasama niya si Sharlene.

Halos na-ikwento na lahat ni Kuya ang tungkol sakanya at hindi ko naman na kailangan mag-kuwento ng sobrang dami dahil may hinire siyang private investigator which is si JOSH.

Heaven Company. Yan ang company nila at napag-alaman ko na ang company nila ang gumipit sa comoany ni Kuya noon. Si Kuya Cj din ang nasa resto noon na nagtanong ng name ko at ang muntik nang makasagasa saakin nung time na hinabol ako ni Josh.

I dunno pero itong si Kuya kong mabait (Kuya Yani) ay pinayagan na ako ulit na gumamit ng sasakyan. Well, hindi naman niya talaga sinabi na diretsa pero nang minsan na gamitin ko iyon ay hindi niya ako pinigilan. Binalik na rin niya ang credit card ko kaya malaya na akong gumastos ngayon.

Naging busy naman ang schedule namin dahil sobrang daming guesting. Hindi lang interviews kung hindi pati na rin sa mga ilang tv shows. They invited us to perform on their channels.

In our youtube account we reach 150 subscribers at alam kong kaunti lang yan pero para saamin ay napakaliki na nito. Mas okay kaysa sa labing tatlo, hindi ba?

"So, hindi niyo ba naisipan na sumuko, that time?" tanong ng nag-iinterview.

"Siyempre po naisipan namin yan. Mga ilang beses na rin po pero hindi kami bumitaw kahit mahirap na dahil alam namin na nandiyan ang isa't-isa" Josh answered.

"Ano yung sign na hiningi niyo kung magpapatuloy paba kayo?"

"Uhm, meron po kasing time na sobrang wala na at down na down na kami. Negativity surrounds us. Parang nag 60-40 po kami non. 40 percent na ituloy at 60 na disband na pero sabi namin na once na nirelease namin ang go up at wala pa rin. Wala na talaga. Tapos na. But thanks God. Naging maganda po ang kinalabasan at andito kami ngayon nakatayo sa harap ninyo" wika ni Sejun

"Nakaupo tayo hindi nakatayo" pilosopo kong sabi kaya natawa sila kahit na halatang pilit lang ang sa lima.

"I heard na isang libong beses niyo raw na pinractice ang go up bago kayo nag-debut. Tama ba?"

"Opo" sabay sabay naming wika

"Why is that?" tanong nito. Sabay sabay kaming muling sumagot.

"Simple lang po. PRACTICE WILL NEVER BETRAY YOU"

Marami pa silang tinanong at sinagot naman naming lahat iyon. We also perform go up.

Hindi namin kayang magpahinga dahil talagang sunod-sunod ang interview na dumarating saamin. Nasanay naman na kami sa pagsagot dahil halos pare-parehas lang sila ng tanong.

Habang nasa Van kami papunta sa isang studio ay iisa lang ang nasa isip ko.

"We will Go up. Itada niyo yan sa bato"

[This is What I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now