Journey 38

41 1 0
                                    

Lahat ay napatunganga kabilang na ako nang i-announce ni Sir Charles.

"Next week will be your debut" he said. Nasa meeting room pa rin kaming lima. Walang nagsasalita lahat ay hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat.

Anong nararamdaman ko?

Excitement, Kaba, Pressure, Doubts.

Iniisip ko kung, magugustuhan kaya nila ang songs namin. The first song na ilalabas namin ay tilaluha. Something about break up song.

"Wow!" sa wakas ay may nakapagsalita na saamin which is si Sejun. Tinignan namin siya at nginitian.

"This is it!" He said to us while looking in our eyes. His eyes is full of determination, so are we.

"Malapit na, guys. Konting kapit nalang then, boom! P-pop will born!" maaksyong wika nito kaya natawa kami. Halata na excited siya.

Sino ba namang hindi? We put all our efforts, our hearts on this passion.

"Excited na ba kayo?" he ask us.

" Sino ba namang hindi?" tanong ko. Muli kaming ngumiti. Napapaisip ako. Mukha na ba kaming tanga kakangiti?

Oh well, who cares??

Napagdesisyunan namin na pumunta muna sa plaza at magpahinga.

"Nga pala Jah, Musta thesis mo?" tanong ni Ken na nagpabalik sa akin sa katotohanang masiyado na akong naging busy at halos malimutan na ang thesis ko.

Ramdam ko ang paglipat nila ng tingin saakin. So I also looked at them and force a smile.

"Ganda ng araw noh?" kamot batok na tanong ko. Iniiba ang usapan.

"Jah." madiing wika ni Sejun sa pangalan ko. Sinasabi nito na magsabi ako ng totoo.

"Do you need help?" Josh ask.

Do I need help? Of course.

But...

Hindi naman pwede na lagi nalang akong nakadepende sakanya. He already sacrifice himself nung sinamahan niya ako sa business management kahit hindi naman niya ito ganon kagusto.

Do.. I need help from him?

Well, hindi masama ang humingi ng tulong but... Sumosobra na ba ako?

ARGHH! gulong-gulo na ako.

Bakit ba ako nagiging sadboi, bigla-bigla?!!.

"Hoy Jaaaahh! Justiiin De Dios Yoooohoooo!!" sigaw ni Stell. Nakaway pa ito. Naka-agaw tuloy kami ng madaming atensiyon.

"Stell! Bakit kailangan mong sumigaw? Andito lang naman ako ha?" medyo inis na tanong ko dahil madami na ang napapatingin saamin at tila ba kinikilig ang mga ito. Narinig ko pa ang bulungan ng iba.

Woii, Gwapo oh.

Shit. Justin De Dios daw name niya.

Tanungin mo, social media niya.

Tanga! Hindi ako marunong mag-korean. Koryano ata.

Oo nga. Kawawa naman.

Loord, pwede bang magkajowa ng lima?

Napailing nalang ako sa narinig at sinamaan ang mga kasama kong tumatawa.

"Annneonghaseyo Oppa!" wika ni Stell at mas lalo silang natawa. Mas lalo naman akong bumusangot.

"Kasi naman, andito lang naman ako, bat sinisigaw mo pa?"

"Andiyan daw. Eh para ka na ngang naka lakbay sa outer space kanina ka pa namin tinatawag"

"Huh? Kanina pa ba? Bat parang wala akong naririnig? Ano tinatanong niyo?" taka kong tanong. Hindi ko alam kung prinactice nila ang pag-iling at sabay sabay pa sila don.

"Mr. De Dios" wika ni Josh. Ginaya niya pa ang pagsasalita ni Sir Jones. Yung strict na prof namin.

"Tinatanong ko po kung okay lang yung thesis mo. I'll help you" He said with full of sarcasm.

"O-okay lang ba?" medyo nahihiyang wika ko. Ngumiti siya at tumango.

Maya-maya pa ay nag notif ang phone ko. Nag-text si kuya ko.

From: Kuya kong panget

How are you? You okay?

To: Kuya kong panget

Magiging okay lang ako kapag na meet na kita. Pa-gwapo ka na kasi para meet na tayo:(( miss ka na ni Bujing:((

From: Kuya kong panget.

Don't worry. We'll meet soon.

As soon as I read tge text of him. I stand. I was shocked. Ramdam ko ang pagtingin sakin ng apat but I ignored them.

TO: Kuya kong panget

Talaga?! WEHHHH?? WEEEEH? BINUBUDOL MO AKO IH. WEEEH?

KELAN?

From: Kuya kong panget

Kelan? Hmm....

We'll met once you with your group dominate the world.





[This is what I want: Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now