21th Journey

37 1 0
                                    

Matagal silang tumitig sakin na para bang hindi makapaniwala sakin. Ginaya ko naman ang tingin nila saakin.

Gagi. Huwag niyo akong titigan ng ganyan. Naiilang ako. Wika ko. Kanina pa kasi sila nakatitig saakin.

Alam mo ba ang salitang 'seryoso'? Tanong ni Josh.

Tanga! Malamang alam ko. Malakas kong wika.

Ako pa ang tanga ngayon? Gayong ikaw itong----arghh! Justeeen! Anong ginagawa mo sa buhay mo?! Stress na stress na wika nito. Kumunot naman ang noo ko.

Kami ang naii-stress sayo, bata ka. Hindi rin makapaniwala si Stell. Naiiling naman si Sejun at Ken.

Masama bang maging Curios? Tanong ko sakanila at lahat sila napasapo sa noo.

Hindi naman masama ang ma-curios. Ang masama ang maging tanga. Medyo seryosong wika ni Josh. Nagkibit balikat lang ako sakanya.

Naiistress ako sainyo, Oo. Gabi na magsi-uwi na kayo. Pagtataboy samin ni Sejun. Napa-pout naman ako.

Jo--

Kailangan mong harapin si Kuya Yani. Putol nito sa sasabihin ko. Napabuntong hininga naman ako.

Okay. But... Sejun? Nag-mamaka-awa akong tumingin kay Sejun.

A-ano? Tanong nito.

Pwede mag-apply ako ng trabaho dito? Baka sakali lang na tuluyan akong mapalayas eh. Wika ko. Nakahinga naman siya ng maluwag.

Akal ko kung ano na. Oo okay lang. Nakangiti nitong wika. Then I smiled back.

O siya! Tara na! Gabi na din. Pumalakpak pa si Stell at nag-ayos na ganon din ang ginawa namin. Matapos ay nagpaalam na. Iba ang dadaanan nila Josh at Ken. Kaya sila ang sabay dahil halos same lang ang direstion. Kami naman ni Stell ang magkasama ngayon.

Magiging okay ka ba niyan? Biglang tanong nito sa gitna ng paglalakad namin.

Hmm. Ngayo pa nga lang iniisip ko na kung sa paanong paraan ako mamatay eh. HAHAHAHAH. biro ko. Muli naman kaming natahimik.

Kung okay lang, ganon ba talaga kasama ugali ng kuya mo at kailangan ka pang i-arrange marriage? Tanong nito. Nilingon ko naman siya. Siya naman ay diretso lang na nakatingin sa daan kaya tumingin na din ako sa daan.

Hmm, ewan. Hindi ko alam o parang hindi ko kaya na tawagin si kuya na 'masama' besides, alam ko naman kung bakit ganyan ang trato niya sakin. Malungkot kong wika. Kaso nga lang minsan, kahit pilit kong iniintindi, nasasakal pa rin ako. Napayuko ako. Naramdaman ko naman na marahan niya akong tinapik.

Maayos niyo din yan balang araw. Matapos ay ngumiti ito. Nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako.

Ikaw ba? Kamusta kayo ni Maris? Tanong ko.

Ewan. May lamat na. Lecheng kupido kasi yan. Papanain na nga lang ako sa kaibigan ko pa. Tapos sabay kaming natawa.

Alam niya? Tanong ko. Na mahal mo siya? Pahabol ko.

Hindi. Maikli nitong wika.

Bakit hindi?

Masiyado na siyang busy ngayon. Nagpe-perform din kasi iyon eh. Balak pa ngang mag-artista.

Ahh.. Napatango tango naman ako. Maya-maya ay nagpaalam na siya.

Dito na ako. Ingat ka. Goodluck na din. Paalam niya. Tumango naman ako. Pinanood ko pa siyang pumasok sa bahay nila bago naglakad.

Napabuntong hininga ako ng nasa harap na ako ng gate. Tanaw ko pa ang bukas na ilaw sa sala.

Bumuntong hininga pa akong muli bago pumasok ng may blangkong ekspresiyon sa mukha at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa.

Marunong ka pa palang umuwi? Sarkastikong tanong ni Diko. Hindi naman ako kumibo at patuloy na naglakad napahinto ako ng nasa hagdan ako at nagsalita siya.

Huwag kang bastos. Harapin mo ang kuya mo. Ma-otoridad na wika nito. Hinarap ko siya with a cold face na bahagyang nagpagulat sakanya. Never pa akong tumingin ng ganito sakanya. That's why.

Kuya pala kita? Sarkastiko ko ring tanong. Wow may kuya pala ako---tao pala ako? Matalim ko siyang tinitigan.

Akala ko kasi amo kita at ako ang tuta mo.




[This is what I want : Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now