16th Journey

31 2 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Abala ang lahat sa pag-aayos ng mga dekorasyon, pagluluto ng pagkain, at pag-hahanda ng mga regalo. Nagkakabit ng lobo, nag-aayos ng mesa, at nagluluto ng shanghai.

Sa gitna, may isang malaking tarpulin kung saan nakasulat ang mga katagang 'Happy 7th birthday, Justin'

Sa harap ng pinto makikita mo ang isang batang lalaki na naka-suot ng isang party hat. Tuwang tuwa ito sa mga nakikta niyang mga palamuti sa loob ng kanilang tahanan tulad ng mga lobo.

"Oh bujing, Ang aga mo namang magbihis? Mamayang 3pm pa ang party mo. 9 palang ah? Excited?" tanong ng kanyang tatay.

"Wala naman pong masama kapag nakabihis na ako kaagad hindi ba? Kaninang 12am naman po birthday ko na kaya wala ng masama kung magbihis ako" Anang bata.

"Mm. Sige. Bahala ka mukhang hindi na kita mapipigilan, maglaro ka muna diyaan." masayang wika ng kanyang itay. Nakangiti namang tumango ang batang lalaki bago pumasok sa loob ng kanilang tahanan.

Pagkapasok niya isang lalaki ang bumati sakanya.

"Happy birthday bujiiiing!" Masaya nitong wika.

"Thank you kuya!" pagpapasalamat ng bata sa kanyang kuya.

"May regalo si Diko sayo."

"Dahil good boy ka.... Ta-da!" Then a man handed the kid a snorlax stufftoy. Mahilig si Justin sa pokémon kaya naman alam ng kanyang kuya na magugustuhan nito. Lahat naman ng iregalo sa bata ay gusto niya. Kahit saging pa yan.

"Thank you po kuya! Sana sa susunod kong birthday ibang Pokémon character na!"

"Oo naman." nakangiting wika nito.

"Oh sandali lang ha, tutulong muna si Kuya doon sa labas. Good boy ka lang dapat?" Paalala nito.

"Yes po! Always" Masayang wika ni Justin. Ginulo muna ng kanyang kuya ang buhok ng kapatid bago lumabas.

Naupo naman si Justin sa isang sofa at doon nilaro ang kanyang bagong laruan.

Maya-maya pa ay narinig niyang sumigaw ang kanyang tatay mula sa kusina, ipinagsawalang bahala niya lang ito dahil masyado siyang abala sa kanyang bagong laruan.

Maya-maya pa ay nakita niya ang kanyang isa pang kapatid na nagnga-ngalang Cj. Doon na nagtaka ang bata.

"Kuya san punta? Alis ka? Bakit may bag? Sama ako!" masaya at inosenteng wika ni Justin. Naluluha namang napatingin ang kanyang kuya Cj sakanya.

"B-bujiing, ito ang tatandaan mo ha? Mahaal na mahaaal ka ng kuya Cj mo. Hmm?" tuluyan nang tumulo ang mga luha nito. Napansin ito ni Justin kaya gamit ang maliliit na mga kamay ay pinunasan niya ang luha ng kanyang kuya.

"Matagal ko na pong alam yan kuya! Don't cry na po" Ani nito.

"Salamat. Nga pala, ito regalo ko. Huwag mo itong tatanggalin kahit kailan ha?" Matapos ay inilabas nito ang isang purselas. Medyo malakino sadyang malaki ang purselas na ito kaya hindi kumasya kay Justin.

"Kuya, hindi kasya" malungkot na wika niya.

"Hindi kasya kasi hanggang paglaki mo pa yan. Itago mo ha, magagalit ako kapag nawala mo iyan" paalala nito. Nakangiti namang tumango si Justin.

"alis na ko bye" paalam ng kanyang kuya hahabol pa sana siya ng may marinig siyang malakas na kalabog mula sa kusina.

Agad siyang tumakbo doon at nakita ang kanyang tatay na naghihingalo.

Ang buong akala niya ay nakikipaglaro lang ito sakanya. Kaya ang batang si Justin ay umaktong doktor at kunwari ay ginagamot ang kanyang tatay.

Ngunit, ang hindi niya alam ay inatake na ito sa puso.

Naabutan ito ni Yani ang kanyang pangalawang nakakatandang kapatid. Agad itong tumakbo sa kanyang itay. At ng makitang naghihingalo na ay dali-dali niyang tinawag ang kanyang tiya at sinugod ang kanyang itay. Ngunit huli na ang lahat dahil wala nang malay ang kanyang tatay

Ang lahat ng sisi ay napunta kay Justin. Hindi na rin natuloy ang kanyang kaarawan nung araw na iyon.

Nung araw na ring iyon, nagsimulang magbago ang lahat sa pagitan ng kanyang kuya Yani.




[This is what I want:Enaria_21]


(A/N: Di ko sure kung Cj ba pangalan nung isa nilang kapatid o Carl. Sensya na. Love lots:>)

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now