Journey 30

31 2 1
                                    

"Gandang bungad ng umaga grabe" wika ko ng may blangkong ekspresiyon ng makita si Sharlene na yakap ang isang lalaki. Medyo pamilyar ang lalaki pero hindi ko masyadong maalala kung saan ko ito nakita. Basta ang alam ko lang eh ito ang bf niya.

"Sige lang, Stay Strong" wika ko. Pinigilan ko pa ang pag-irap ko.

Dumiretso na ako sa area dito sa school kung saan madalas kaming magkita kitang apat.

"Huwaw. Justin. Anong mukha yan?" asae ni Stell ng makita ako na nakasimangot.

"Well, Gwapong mukha. I guess?" sagot ko sakanya. Natawa naman sila.

"Luh? Kung kailan ako nagj-joke di kayo tumatawa? Kapag seryoso ako dun kayo natawa. Grabe ha" umakto pa akong nasaktang talaga at hinawakan pa ang bibig.

"Ay siya nga pala Jah.." napatingin ako kay Ken ng mag-salita ito hawak ang kanyang gitara. Tinaas ko naman ang dalawa kong kilay. "Nakita ko yung crush mo sa building 05 may kayakap malapit sa entrance" kwento nito.

Pinipigil ko naman na masigawan si Ken dahil inosente niyang simabi iyon at walang halong pang-aasar.

Sino bang nag-tanong?!

Halos mamatay na sa kakatawa ang dalawa habang si Ken ay di maintindihan kung bakit sila natatawa. Napailing nalang ako.

Nagkuwentuhan lang kami saglit bago tumunog ang bell. Pumasok na kami sa kanya-kanya naming klase.

Okay class, for your thesis, Research about waste segregation sa lugar ninyo. And make a report about it. Paalala samin ni Ser bago matapos ang klase. Umattend pa ako ng tatlong subject bago bumaba sa corridor para i-meet ang apat.

Habang pababa ako, naalala ko ang usapan namin ni Diko. Phew.

Nakita ko sa labas ng gate na kumpleto na sila.

"Oh! Ayon na si Jah oh. Tara na!" wika ni Sejun. Ngumiti naman ako sakanila at kumaway.

"Hi. Uhm, pwede pakisabi kila Teacher Hong na baka malate ako ng atleast an hour?" paki-usap ko.

"Bakit? May lakad ka?" tanong ni Ken.

"Ay! Baka masiyado ka namang na-broken sa nalaman mo kanina. Basta huwag kalimutan ang lubid ha." pang-aasar ni Josh.

"Timang. Kung may kikitilin akong buhay. Hindi sakin. Ikaw ang iuuna ko" wika ko.

"San ka nga pupunta?" tanong ni Stell.

"In our--no in my brother's company. Ipapakilala niya raw ako sa mga tauhan sa kumpanya as if naman kailangan talaga. And as if naman na magiging business man talaga ako. As far as I know baka i-set up nanaman niya ako sa kung sinong babae" wika ko.

"Did I hear it right? Hindi ka magiging business man? Wow. Ni hindi ka nga maka-alis na kursong iyan" si Josh. Pwedeng manakal ng kaibigan? Pinalo naman siya ni Sejun sa balikat sa pag-aakalang sensitibong pag-usapan at asarin ako sa topic na yun. Binelatan ko naman siya.

"Buti nga sayo" wika ko at bumelat ulit. Maya-maya pa ay may bumusina nang sasakyan sa harap namin kaya agad na akong nagpaalam sakanila.

Pag-bukas ko, inaasahan ko na si Diko ang susundo saakin pero ang manager niya ang bumungad saakin.

"Mr. Denmar, Asan po si kuya? Ang akal ko po siya ang susundo?" takang tanong ko sakanya. Nasa 40's na ito at matagal ng nagtratrabaho sa kumpanya namin.

"May meeting pa kaya ako muna"

"Ah. Ok po"

Kung alam ko lang sana na hindi rin pala si Kuya ang susundi edi sana tumakas na ako kanina. Mas gugustuhin ko pang mapagod sa training kaysa sa pumunta sa kumpanya.

Pagdating namin sa kumpanya ay sumakay na kami sa elevator at pinindot naman ni Mr. Denmar ang 17th floor.

Pag dating doon ay sinalubong ako ni Diko. Hinawakan pa ako sa braso nito na para bang close talaga kami. Pumalakpak ito para makuha ang atensiyon ng lahat at ganoon na nga ang nangyari

"Eveeyone, this is my brother, Justin De Dios. Ang susunod na tagapagmana ng D. D inc. Give him around of applause"




[This is what I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now