5th Journey

47 2 0
                                    

Ssob

Chapter 5

As usual, heto ako. Nilalaro ang pen habang nasa klase. THIS IS NOT WHAT I WANT! May ubo ba utak ni diko?

By the way, Diko is Kuya Yani. My second older brother. Bunso ako. Nakasanayan na sa pamilya namin na tawagin ang pangalawang kuya na 'diko' kaya napamana saamin at naging tawag ko sa kuya kong magaling.

Mr. De Diooooos! Sigaw ng prof ko na nasa harap ko na.

Ay jusko po! Gulat na sigaw ko na napahawak pa sa dibdib ko sa sobrang pagkabigla. Natawa naman ang mga kaklase ko at naiiling-iling naman si Josh.

Saan nanaman ba lumilipad yang utak mo, ha? Pano makakalipad may pakpak ba?

Ser? Hindi ah. Pagma-maang-maangan ko.

Really? Then answer my question. Naka-ngising wika nito.

W-what was the question again sir? Napapahiya kong tanong.

See? You're not listening nor paying attention to my class. I wonder, kapatid mo nga ba si Yani? Because what I know is, Julian is good in anything while you? San ka ba magaling---ahh! Sa kanga-ngat-ngat sa ballpen mo. Are you adopted? Nakangisi nitong tanong. Napanganga naman ako. Hindi ko lang naman nasagot yung tanong bakit kailangan kong mapahiya?

Tell me, are you adopted? Maloko nitong tanong.

N-no sir. Nangingilid na ang mga luha ko. Magsasalita na sana si sir ng biglang tumayo si Josh. Rinig ang hampas niya sa kanyang desk.

You don't have a right to criticize your students, SIR. Ramdam ang Inis sa tono nito. Tinignan ko siya at inilingan saying na huwag na siyang mangi-alam dahil mapapahamak siya. But he just take a glance at me.

Mr. Santos?

Yes sir. Josh Cullen Santos. Speaking.

Bastos ka ah. Hindi pork---

At sa tingin niyo hindi kayo bastos?

Anak ng--

Hindi dahil mas matanda kayo sakanya---saamin ay may karapatan na kayong maliitin ang sino mang estudyante niyo. Teachers should teach his or her students a lesson not to criticize them.

Your right, Mr. Santos. Teachers should teach students. So, guro ka ba para turuan ako?

I don't need to be a teacher to teach you a lesson. SIR. Wala sa idad, posisyon, o kasarian ang pagtuturo lalo na ng mga tamang gawain. Nasa pag-iisip yan. SIR. Nakangisi nitong wika.

You---.

We only have 5 minutes left sir. Don't waste our time. Magturo ka na. Yan ang trabaho mo. At naupo na siya. Nanatili naman akong nakatayo.

Sit. Utos sakin ni Josh ng mapansing nakatayo pa din ako.

Hindi mo ba ako narinig? I said sit. Utos nito.

Sino ka naman para mang-utos ng ganyan? Masungit na tanong ni Sir.

I'm... Josh. Cullen. Santos. Walang emosyon na wika nito. Maya-maya ay tumayo ito bitbit ang bag niya.

5 minutes has passed. Class Dismiss. Wika nito. At hinila ako palabas ng room.

The next thing I knew, Nandito na ako sa guidance office na naka-yuko. Habang itong mokong na toh. Naka-cross arm pa. Sinesermonan na't lahat-lahat, angas pa din? Nawa'y lahat.

Wala man ba kayong respeto?!

Sorr---

Paano po kami magkakaroon ng respeto kung ang kausap namin ay wala non? Pinalo ko naman ang kamay niya. Hindi ka ba nadadalang bibwit ka?!

Aba't sir, tignan niyo oh sumasagot! Sumbong ni prof. Jones.

Malamang may bibig eh. Bulong ni Josh. Pero ako lang ang nakarining sinmaan ko naman siya ng tingin. Wala talagang kadala-dala.

Mr. Santos,mali ang ginawa mo. Mahinahong sabi ng principal.

Sir, Paano niyo naman pong nasabing ako ang mali? Pinagtanggol ko lang ho ang kaibigan ko sa pagmamaliit ng ttabahador niyo. O sige po, mawalang galang na, pero parang mali naman po ata na pinapagalitan niyo na kami kaagad at sinasabihang mali kami without hearing our side. Kanina niyo pa po sinasabi na mali kami but did you know the whole story?

Natahimik naman ang principal. Mag-aabogado ba tong isang toh? O tatakbo bilang president?

Okay, I think that silence means that you are letting us to explain our side. Jah explain. Utos nito saakin.

'bakit ako?' I mouthed.

Napapagod  din naman akong magsalita noh. Masungit nitong wika. Now explain. Ngunit hindi ako nagsalita. Napabuntong hininga nalang si Josh.

Okay. Ako na. Bumuntong hininga muna siya ulit bago nagsalita. Prof. Jones are teaching that time when he suddenly stop when he notice that my friend, Justin de Dios is not paying any attention. I know that mali rin naman po ang ginawa ng kaibigan ko dahil hindi siya nakinig sa klase I know the reason why Mr. De dios didn't paying attention to his class but I'm so sorry hindi ko masasabi sainyo ang dahilan dahil masyadong personal. Alam naman naming nagkamali si Jah pero mas mali pa rin ang pagmamaliit ng guro sa kanyang estudyante, saying na wala siyang talent at magaling lang sa pagngatngat ng ballpen niya? And worst ipagkumpra siya sa kuya niya? Kinuwestiyon pa nga niya kung ampon ba itong si Jah. Paanong kami lang ang napapagalitan at nasasabihang mali dahil lang hindi nasagot ng kaibigan ko ang tanong at dahil lang pinagtanggol ko siya?

Walang nakapagsalita saamin ramdam ko pa din ang masamang tingin ni Prof. Jones kay Josh. Halah! Baka ibagsak niya niyan. Bawal bawal. Honor student tong si Josh kaya bawal bumagsak.

Okay. Kung hindi pa naman kayo naniwala sa dami ng pinagsasabi ko ay ewan ko nalang. But our classmate can testify kung ano ba talaga ang nangyari. Now, It's time to eat lunch so excuse us. At hinila na ako. Para tuloy akong bata dito.



[This is What I want: Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now