12th Journey

34 1 0
                                    

Akala ko ba wala kang paki? Biglaang tanong ni Josh na nasa tabi ko. Napalingon naman si Stell at si Ken.

Oo. Kasama na namin si Stell. Napaka-friendly niya kasi kaya madali lang maging ka-close.

Huh? Maang na tanong ko. Anong walang paki? Saan? Dagdag na tanong ko pa.

Hindi Saan. Kanino. Akala ko ba wala kang paki kay Sharlene ha? Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan ni Sharlene.

Hoy! Bakit naman nasama siya sa usapan?! Tanong ko.

Kanina mo pa tinitigan eh.

Crush mo si Sha? Jah. Tanong ni Stell. Napabungis-ngis naman si Ken dahil Rhyme yun.

Hindi ah! Defensive na sagot ko.

Weh? Pansin ko din na kanina ka pa nakatitig diyan sa babae eh. Pang-aasar ni Ken. Gagi. Nag-sasalita pala siya?

Hindi. Ano kasi... Yung... Kingina! Wala akong maisip na sasabihin.

Hmm. Bahagyang natawa si Stell kaya nilingon namin siya.

Ganyan din ako nung nag-deny ako. Walang masabi. Diba? Sabi nito ng hindi kami nililingon.

So, inaamin mo na, na may gusto ka nga sa 'best friend mo'? Mariing tanong ni Josh. Napa-ngisi naman ako. Kung dahil ba nabuking si Stell o kung dahil ba halatang nagse-selos si Josh ay hindi ko na alam.

May galit ka ata sakin brad ha. Tapos tumawa si Stell nakisama naman ako sa pagtawa.

Aray! Masaket ha. Bigla lang kasi akong binatukan ni Josh. Bakit ako lang binatukan mo? Eh pati naman si---

Stell. Biglang may nag-salitang babae. Hindi ko alam kung sino yun dahil kay Josh ako nakaharap.

Tama! Pati si Stell tumawa. Teka, sino ba yun--- napatakip ako ng bibig ng makita na si Maris pala ang tumawag kay Stell.

Gagi ang daldal ko. Bulong ko. Napa-iling naman si Josh at bumulong. Buti alam mo. Napangisi naman si Ken.

Stell, Pwede ba tayo mag-usap? Nakiki-usap na tanong ni Maris. Pinapanood lang namin sila.

Huh? Ano kasi... Uhm, may gagawin pa ako? Hehe. Palusot ni Stell.

Bakit mo ko iniiwasan. May nagawa ba akong mali? Tanong ni Maris.

Wala---

Kung ganon kausapin moko. Seryosong wika ni Maris. Napabuntonh hininga lang si Stell at tumayo. Tinanguan niy din kami.

Under.

Sandali C-cr muna ako. Paalam ko

Weh? Makiki-chismis ka lang eh. Biro ni Josh. Binelatan ko nalang siya at nagpuntang CR.

Wala masyadong tao sa loob ako lang pero maya-maya ay may pumasok na lalaki. Malamang CR toh ng mga lalaki. Magulat ka nalang kapag may babaeng pumasok.

Isinara ko na ang zipper ng pants ko at lumabas. Nakaka-ilang hakbang palang ako ng may makitang I.D. Tinignan ko naman kung kanino yun.

Napangiti ako ng makita kung sino ang nag-mamayari non.

Sharlene San Pedro. Tinignan ko kung anong section niya. Nang makita iyon ay agad akong pumuntang building 5 dahil doon ang seksiyon na yon.

Sumilip ako sa room nila at nakitang may klase pa sila. Naghintay lang ako ng ilang minuto roon. Maya-maya ay lumabas na ang Prof nila. Saktong si Tatang pa pala ito.

Oh, Justin. Anong ginagawa mo dito? Makiki-sit in ka din ba? Matapos ay tunawa ito.

Ah hindi po, ano may isasauli lang. Tapos ay ipinakita ang I.D na napulot ko.

Ahh si Ikaw pala ang nakapulot niyan, kanina pa hinahanap ni Sharle eh----Oh ayun na siya oh. Sha! May naghahanap sayo! Tawag nito kay Sharlene napakunot naman ang noo ni Sharlene na lumapit dito.

Anong.. Tatang naman baka mamaya isipin niya na sinadya ko pa siya dito. Anong may naghahanap? Sana sinabi mo na lang po na may nakakita ng I.D niya. Bulong ko. Natawa naman si Tatang.

Aba't tignan mo nga naman. Binata ka na! Tsk tsk tsk. Mauna na ko. Paalam nito. Magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita si Sharlene na nasa harap ko na kaya bahagya akong napatalon.

Uh, ikaw ba yung sinasabi ni Tatang na naghahanap sakin? Tanong nito.

Uy! Tatang din tawag mo kay Sir. Robin? Masaya kong tanong

Oo. Medyo close kami eh. Eh teka, ikaw nga ba yung sinasabi niya? Ulit nito sa tanong niya

Ah, oo. Napakamot pa ako sa tungki ng ilong ko.

Bakit? Kilala ba kita? Tanong nito. Aray naman.

Bakit? Mga kilala mo lang ba ang pwedeng mag-sauli ng I.D mo? Di ako nainform ha. Sarkastiko kong tugon.

Ah. Nasayo ba I.D ko? Tanong nito.

Mm. Wika ko at ibinigay sakanya ang I.D niya.

Thank you. Wika nito. Ngumiti lang naman ako.

Mauna na ako. Paalam nito. Tumango nanaman ako at akamng maglalakad na ulit ng magsalita itong muli.

It's nice meeting you....

Then the last word she utter just melt my baby heart.

Justin de Dios.

[This is What I want:Enaria_21]

This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now