Chapter 2

243 133 23
                                    

KAIAH

Hindi naman 'yon ang gusto ni daddy pero ganoon ang tunay na nangyayari pagdadating sa business.

Sa mga narinig ko at mga past encounters ko kasama ang pamilya nila, ang Fleur Enterprises ay nag spe-specialize sa marketing products katulad ng food and home electronics. I don't know about the rest.

It's all about your competence and your financial skills. Aaminin ko, ang Fleur Enterprises talaga ang number one na kalaban ng company namin dito sa Pilipinas. Sa Pilipinas pa lang 'yon ah. Hindi ko alam kung mayroon silang business outsourcing sa ibang bansa pero it's not impossible. Wala lang talaga akong ibang alam sa kumpanya nila bukod doon.

Siya pala ang anak nila.

He looks like he wouldn't even last in the business world.

Ilang weeks na rin ang ang nakalipas sa school year na 'to at na-introduce na sa amin ang mga topics namin sa STEM. Ang lahat nang pinaglaaanan ko nang oras ay makinig lang at magpokus lang sa pag-aaral ko. Buti nga hindi ko na nakakasalamuha 'yung Jaxon na 'yon, e.

Pero ang galing ah, siya pala 'yung anak ng Chairman ng Fleur Enterprises? Nako. Dapat ngayon pa lang, ayus-ayusin na ni Jaxon ang mga plano niya sa buhay. Bawal ugaling ipis sa trabaho. Buti na lang ako, mabait ako. Pwede isabak kahit saan.

Parati ko na rin nakakadaldalan si Jigzy. Sa katotohanan pa nga, umiingay na talaga kami sa loob ng classroom namin. We just click together, e! Marami siyang kwento at marami akong komento. Talagang maingay talaga kami pag pinagsama.

Tuwing break time naman ay parati naming kasama si Raquel. Sayang nga lang dahil HUMMS student siya! May pagkasungit talaga siya na friendly at madaldal rin! Kapag nakakasama namin siya, pareho naming inaaway si bakla kaya nag-iinit ang ulo sa 'ming dalawa. Gusto ko nga 'yon si Raquel, e. Very honest like me! I like that talaga.

"Hoy mga 'te pakopya ako essay."

"Matalino ka naman 'di ba?!" Paneechapwera ni Raquel sa kaniya. "Kokopya ka pa dito?" Tinuro ako ni Raquel.

"Sige na! Ako na gagawa ng Math Assignment mo! Bwisit kasi si Kaiah ayaw mag share ng ideas!"

"Share ng ideas?!" Sabat ko kaagad. "Share ng ideas e mangongopya ka nga?!"

"Oh ayan tanga," sabi naman ni Raquel.

"Huy mga bessies! Patuyan niyo naamn na beauty with brains kayo! 'Wag niyo ako gayahin na beauty lang!"

Pinapagawa kasi kami ng reaction paper. Ewan ko kung para saan pa 'yon pero hinihingi 'yon sa amin. Maaga ako nakapagpasa dahil ginawa ko 'yon sa bahay noong hindi ako makatulog! Literal na hindi talaga ako makatulog kaya pinagod ko na lang ang utak ko para deds na talaga. Kaya late ako pumasok kanina, e!

"Para namang others. Bahala nga kayo diyan. Matalino naman ako, kaya ko 'to," kunwaring nagtatampo siya.

"Me when I'm gaslighting myself." Sabi ni Raquel.

"Gaslighting na lang sa sarili ang offord ko. Pagbiyan niyo na 'ko."

"Halika na nga! Tutulungan na kita!" Asar na sabi ko. "Bibigyan lang kita ng idea ah! Sa susunod wala na! Puro kasi kabaklaan... "

"Loud and proud sissy!"

Tumawa nang malakas si Raquel nang dahil sa amin. "Gago kayo. Una na 'ko. I have something to do pa." Umalis na si Raquel papuntang room niya.

"Beh baka singilin mo pa 'ko mamaya ah?"

"Hindi nga!" Inis na sabi ko. "Doon na tayo sa room, bago dumating si sir."

Tough Encounters (Laurentian Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें