Chapter 3

220 126 48
                                    

JAXON

"Hi, Jaxon! This is Kaiah pala, new friend ko."

That moment when Jigzy introduced this girl to me. Parang wala pa akong nakitang babae na kasing ganda niya. Noong unang beses ko pa lang siya makita. My eyes lit up as I admired her face. Because it's true, she's really beautiful. There's just something about her face na mapapatitig ka na lang talaga.

"I see," usal ko, walang pakialam.

Kahit gaano siya kaganda, hindi ko alam kung bakit nakakakuha ako ng bad vibes sa kaniya. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit, e. Mukha kasi siya 'yung magandang maldita. She gives off that vibe so the only thing that interested me about her is her face.

"Ah, Jaxon?" Tawag pansin sa 'kin ni Jigzy kaya liningon ko ulit sila. "Magpapakilala ka naman!" Tumawa siya, nahahalata kong awkward siya. Hindi ko naman gusto masyadong ganto ang maramdaman ni Jigzy kaya pinilit kong ngumiti.

"Jaxon Reese Fleur, it's a pleasure to meet you." Tinignan ko ulit ang babae. Ano ulit ang pangalan nito? Nakalimutan ko na.

Hindi kaagad nakatingin sa 'kin ang babae at parang iniiwas niyang tignan ko. Her brows were furrowed a bit as she avoided eye contact. Mukhang may naiisip siya.

Nakita ko naman noong siniko siya ni Jigzy kaya tinignan na ako ni Kaiah mismo sa mga mata niya.

I can't deny it, maganda talaga siya. Maputi ang balat at mahaba ang buhok. Lagpas balikat niya ang buhok niya. She looks like she came out of a romance movie. Her type of beauty can rival actors and other beautiful people.

Kaunting babae lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko dahil nga mataas ang standards ko. Mukhang isa na sa kanila 'tong babae.

"Kaiah Amara Verde," sabi niya sa mahinang boses.

Her voice sounds a bit cold but it still sounds friendly.

Hindi ko na ulit pinansin ang dalawa dahil mukha namang tapos na ang dapat naming gawin dito. Nagpaalam naman ang babae na mauuna na siya kaya naiwan si Jigzy at nakapag-usap naman kami.

"Ganda no'ng transferee 'no?" Nakangiti niyang sabi habang binabangga ang balikat ko. Naging kaibigan ko si Jigzy last year at mabait naman siya at malakas din ang humor kaya hindi ako nahihirapang makipag-usap sa kaniya.

"Transferee ba 'yon?"

"Oo, mukha namang mabait kaya kinaibigan ko. Ganda niya 'di ba?! Nako, Jax. Pwedeng-pwede kayo no'n! Sana single."

Binigyan ko siya nang naasar na tingin. "Kinaibigan mo lang ba 'yon dahil sa ganda niya? Mukha namang maldita. Pass. Hard pass."

"Ay?! Choosy ka pa ha? Ang judgy! Hindi mo naman kilala. Akala mo kung sinong hindi ma-aattitude 'to, e."

Inis ko siyang tinignan.

"Hindi ka ba nagagandahan?"

Napatikhim ako. "Nagagandahan syempre, kita mo naman kanina 'di ba. Maganda," dumaan sa isipan ko 'yung mukha niya at ang pagkikita naman kanina.

"Oh, grab the chance na!"

"Ayoko nga 'di ba? Mukhang maldita. Pass na,"

The following days ay mas lalo ko siyang nakikita. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagugustuhan 'yung presence niya tuwing nakikita ko siya. Mukha niya akong mamalditahan! Hindi naman talaga maldita tignan ang mukha niya, maamo pa nga. Pero when I see her in the hallway, parang wala siyang reaksyon. Kahit ako naguguluhan ako kung bakit gano'n. Wala namang ginagawa pero naiinis ako. Ang seryoso niya kasi tignan, e. Oh baka ako lang ang nag-iisip no'n.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now