Epilogue

60 23 0
                                    

JAXON

"What do you think about this?" Hinarap ko siya at pinakita ang attire na sinukat ko.

Habang tinititigan ko siya ay hindi pa rin ako makapaniwala. Noong kailan lang nalaman naming pumasa siya sa boards. Hindi ko mapigilan ang humanga parati sa galing niya. Napanuod ko kung paanong sinaulo niya ang maraming formula na kailangan para sa board exam. She's very smart and I can't believe this lady is mine.

"Hm... " she rubbed her chin. "Sexy, pasok sa taste ko."

Ito pa lang 'yung mga pinapakita ko sa kaniya, excited na ako. Mas lalo na sa iba pang mga bagay na ma-achieve ko sa buhay ko. Gusto ko lahat ipaalam sa kaniya.

Mas sumasaya ako kapag nakikita kong masaya rin siya para sa akin.

"Jax, 'nak labas ka na sa kwarto. Kain na tayo, ha?" Nadinig kong kumakatok si dad sa pintuan. Nakahiga lang ako sa kama at nakayakap sa unan ko.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin. Alam ko naman na kailangan kong tanggapin na hiniwalayan niya na ako, pero hindi ko pa alam sa ngayon kung paano ko gagawin.

Kahit mahirap, tumayo ako ng kama at pinagbuksan si dad ng pintuan.

"Nandiyan ba si, Kaiah?" Tanong ko.

Umiling si dad.

Nandito na naman 'yung pakiramdam na para akong paulit-ulit pinapatay. Ilang araw na ang nakalipas pero pakiramdam ko masamang panaginip lang 'yung paghihiwalay namin.

I haven't eaten for days, I don't even remember the last time I've ever eaten except for drinking water. Nawalan na ako nang ganang kumain kahit pilitin ko.

Pumasok ako ulit sa kwarto, ngayon ay umiiyak na naman ng tahimik. Napaupo ako ulit sa kama ko.'Yung pakiramdam ng puso ko ngayon ay parang sinasaksak. Ayoko pa ring tanggapin. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na hindi na kami makakapag-usap ni Kaiah. Na hindi ko siya mayayakap, at maririnig ang boses niya.

"Mawala na lahat, tangina, 'wag lang siya," napatakip ako sa mata ko habang
umiiyak pa rin. "Mahal na mahal ko siya,"

My heart was breaking into pieces everyday. It was happening everyday yet it seemed like there's still more of it to lose.

Ang dami kong gustong sisihin dahil sa paghihiwalay namin.

Pero wala namang mababago 'yon.

Six months na ang nakalipas pagkatapos no'n at masasabi kong nasasanay na rin ako na matiis ng wala siya.

"'Nak, the board is re-voting for a new candidacy if you're not able to increase the sales of our company." The first thing dad uttered as he entered my office.

Ilang buwan na akong nagtra-trabaho at ako na ang CEO ngayon. I have to admit, I failed. Dumagdag pa lalo 'yon sa stress ko. Dahil sa mga naging pagkakamali ko, gusto na nila ibalik 'yung naunang CEO sa akin. Mabilis lang mawawala 'tong position na pinaghirapan ko kung hindi ko aayusin.

Sa isang taon na 'yon, I gave all I had. All the time, thinking of new ideas to pitch to the board just so people would buy from us again. Ilang gabi akong walang tulog, para lang masiguro kong hindi na ako magkakamali katulad ng dati. Nakatulong ng sobra sa akin ang mga employado ko kasi kung hindi dahil sa tulong nila, hindi ko naman magagawa 'yon.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now