Chapter 25

75 21 0
                                    

KAIAH

"Samahan mo 'ko sa training ko? Dito lang din 'yon sa school. Pwede mo akong panuorin." Kwento niya sa akin. Nandito ako ngayon sa bedroom ng condo niya.

"Kaya 'yan love, ipipilit natin." Sagot ko naman sa kaniya. "Kailan ang start niyo?"

"Sa saturday na. Usually rest days naman kami mag tra-training, pero kasama pa din week days. Manuod ka na lang kapag libre oras mo," napahiga siya sa kama at liningon ako. "Tapos mo na 'yung mga assignments mo?"

"Yes po." Kunwaring sagot ko. "Oy pero ginawa ko talaga 'yon ah."

He pursed his lips and nodded. "Buti naman."

"Babe, ano'ng oras pala ang training mo? Para i-sched ko na. Gusto talaga kitang mapanuod. Never pa naman kitang nakita maglaro ng sports bukod sa foot ball." Linabas ko ang phone ko at binuksan ang calendar.

"Hm.. depende 'yon sa coach. Kakakilala ko lang nu'ng coach at trainer namin sa online meeting. Maga taga-Cavite pala."

"Ah, gano'n ba? Hinire lang ng school?"

"Yup. Feel yatang mag level-up ng Laurent. Basta itatawag ko na lang sa 'yo kung ano'ng schedule namin. Mga hapon lang naman siya madalas. Minsan naman, umaga."

"Don't worry, I'll be there. Promise," nakangiting saad ko. Naiisip ko pa lang na pinapanuod ko si Jaxon na mag-training ay nangingiti na ako. Hindi ako pamilyar sa sport na jiu-jitsu pero sinubukan ko na kagabi mag research tungkol doon. Sa mga nakita ko, they wore gi's.

"Ano'ng color na pala ng belt mo?" Bigla akong naging kyuryoso ng maisip 'yon. May nabasa ako'ng article tungkol doon noon.

"Oh, may alam ka pala tungkol do'n?"

Natawa ako. "Actually, wala talaga. Inalam ko lang. Nakita ko kasi sa internet 'yung about sa mga belt nila, gano'n-gano'n."

Natigilan ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Pilyo ang ngiti at mapaglaro ang mga mata. "Blue belt."

Napatango ako.

"Alam mo ba kung ano'ng rank no'n?"

"Hindi masyado. Ang sabi ko nga, wala akong masyadong alam."

"Ah so nag-research ka ba ng tungkol sa jiu-jitsu para sa akin?"

Umismid ako. "At bakit naman hindi? Susuportahan na nga lang kita, ayaw mo pa? Mas maganda na 'yung may background info ako 'no... para masuportahan ko rin 'yung boyfriend ko," nahiya akong sabihin 'yung salita na 'yom pero nandoon na ako. Nasabi ko na.

"Boyfriend pala ah? Ang supportive... mahilig pa naman ako sa mga ganiyang babae."

Napaismid ulit ako. His face was still close to mine. Napapikit ako nang mabilisan niya akong hinalikan sa labi. At kahit mabilis lang 'yon, hindi 'yon maalis sa utak ko. I leaned in to kiss him back.

I didn't realize right away that his pace was going faster. Mas lalong dumidiin at mas napaglalapit ang mga labi namin. Napasunod na lang ako sa kaniya ng hilain niya ang braso ko at tinulak nang bahagya pahiga sa kama. Napatitig lang ako sa kaniya na nangingiba-baw sa akin. Kinakabahan ako pero nandito pa rin ang excitement sa akin.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now