Chapter 8

155 86 7
                                    

KAIAH

Napasapo ako sa noo ko. Ni-hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi gaano maingay sa lugar kung nasaan sila, base sa pandinig ko. Pero nakakarinig pa rin ako ng sounds na possibly ay galing sa labas club.

"Kakausapin ko nga 'yan." Inis na sabi ko. "Nanunuod kamo ako ng movie. Istorbo kayong dalawa."

Wala naman akong magagawa. Pinapakiramdaman ko rin kung seryoso ba ang nangyayari, at sa tingin ko ay oo. Kaya I'm left with no choice but to deal with this. "Oy, hello. Bilisan mo."

"Jaxon! Ito na---aray naman! Inaabot lang sa 'yo 'yung phone." Nagtatampo na sabi ni Allistaire.

Bakit kasi nasa club sila? Kakagaling lang sa school tapos nag club. Sabagay, what should I expect from him? He's probably one of those spoiled brats dahil hindi siya nauubusan ng pera na pinaglukuhanan. As for me naman, hindi ako umaabuso ng pera kahit alam kong may pagkukuhanan ako.

"Kaiah... "

Nagulat ako sa marahan niyang pagsabi sa pangalan ko. It's like he missed me! Kingina.

"Hoy, ogags. Lasing ka na. Btw, si Kaiah na nga pala 'to." Walang pakialam na sabi ko.

"Parang miss na kita... "

"What the fuck---crush mo ba talaga ako?" Natatawang sabi ko. Gusto kong sumeryoso pero paano ko gagawin 'yon kung ganito ang mga naririnig ko? Hindi pa rin siya nagsasalita kaya I put my laptop to sleep first using the options.

Ganito pala siya tamaan ng alak. Nice.

"Kapal ng mukha mo. Maganda ka lang! Wala ka namang personality!" He almost screamed at the phone.

"Ay wow ah?! Maka-insulto ka 'te?! Miss mo na ako niyan?"

Please, heavens. Help give me patience. Hindi ko yata kakayaning matagal 'tong so Fleuride.

"Sino'ng nagsabing miss na kita, huh?!"

"Ikaw."

"Huh... "

Anak ng kagang! Lasing na nga talaga 'to!

"Pag ikaw talaga, nakita ko ang pagmu-mukha mo bukas. Humanda ka sa akin, ah."

"Miss na kita. Sasama na lang ako yacht party. Sama ka rin ah?" He invited me like I really had to go. Kahit sweet pakinggan ang boses niya, ang demanding pa rin kahit papaano.

"Ayoko nga."

"Sige na!"

"Aminin mo munang crush mo ako, Jaxon."

"Miss lang naman kita, eh. Miss asarin."

Suminghal ako, iniipon lahat ng pasensiya ko habang pinapakinggan siya. Gusto ko na talagang tapusin ang movie na pinapanuod ko pero imbis na 'yon ang gawin, pinagtitiisan ko 'tong lasing.

Hinihintay kong magsalita siya pero maya-maya, ang boses na ni Allistaire ang naririnig ko. Tumango-tango ako nang pakiusapan niya ako na kailangan kong i-persuade si Jaxon na magpasundo na. Natigilan pa ako nang malaman ko na kanina pa daw pinipilit ni Jaxon si Alli na tawagan ako hanggang sa nalasing na talaga siya at ayaw pang umuwi.

"I'm really sorry. This is my fault. I got him all drunk like this. Just please help me for now? Pramis ko, Kaiah! Babawi ako!"

"Whatever. Ibigay mo na ulit ang phone sa kaniya. Kakausapin ko."

Possible kaya na may gusto na sa 'kin si
Fleuride? I mean...

No. He probably just gave me a rose because he felt bad. Well, sorry na lang siya dahil hindi ko kailangan ng awa niya. He's still all shitty anyway! And besides... drunk? Talaga bang naglalasing na siya?

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now