Chapter 19

72 31 0
                                    

JAXON

"D-dad, what are you doing here?" Tanong ko sa kaniya. Kakapasok niya lang sa luob. Lumingon ako sa likod ko na para bang makikita ko naman si Kaiah dito. Pinaakyat ko siya kanina sa taas at hindi ko na alam kung saan siya nagtatago. Medyo kinakabahan ako ngayon. "I thought you were gonna stay out for tonight,"

"Just gonna get a few documents," sagot niya sa akin. "Sobra nagmamadali na nga ako, eh. Itong assistant ko naman kasi hindi pala kinuha sa bahay," napasinghal siya.

Napasunod ako ng de oras kay dad nang umakyat siya. Hindi naman niya napansin na siya ang sinusundan at akala yata ay aakyat lang din ako. Alam ko namang nasa taas ang documents niya dahil hindi naman niya 'yon iiwang nakakalat sa salas. Natatakot lang ako na baka mahuli niya si Kaiah. I wouldn't mind kung makita niya si Kaiah. Baka nga mas maganda pa 'yon. Mas approved na si Kaiah sa amin.

But still, iniisip ko si Kaiah. Hindi niya naman siguro magugustuhan 'yon kaya I kept my mouth shut. Tinulungan ko na lang si dad na hanapin ang documents niya sa kwarto para makaalis na siya. Noong mahanap na namin, hinatid ko na siya hanggang labasan. Nagmamasid ata si Kaiah sa labas ng bintana kaya alam niyang umalis na si dad. Bumaba siya sa hagdanan, ang kamay ay nakatapat sa puso.

"Putangina ayoko na talaga," para siyang maiiyak. "Akala ko ba wala magulang mo ngayon?!"

"What?! Malay ko bang pupunta si dad?! And even if he did see you, 'di naman siya judgemental!"

Umirap siya. "Importante yata talaga ang ipununta niya."

Pagkatapos no'n ay tinapos pa rin namin ang movie na pinapanuod namin kanina pa. Iba na ngayon ang pakiramdam ng atmosphere. Nararamdaman kong naiilang na siya sa akin, dahilan para gano'n rin ang maramdaman ko sa tabi niya. The feeling is uncomfortable! It bothered me how she didn't want to talk that much, unlike earlier.

Hindi siya palasalita hanggang natapos na amg movie. Pinakita ko sa kaniya ang guest room na rito sa baba nakalagay. Nag-aalala pa nga ako lung okay lang sa kaniya ang matulog sa maliit na kwarto. Baka hindi siya sanay sa mga gano'n. Pero ang dahilan naman niya, okay lang daw 'yon dahil maliit lang din naman ang kwarto niya sa condo. These things made me interested towards her. Ang dami-daming dahilan para maging isang brat siya dahil sa kinalakihan niya, pero she's far from that.

Siguro meron siyang pagka-arte sa katawan minsan, at bossy siya, pero hindi naman siya... kinikilig ako wait mga lang!

"Good night–" Bastos! Sinaraduhan ako ng pintuan, hindi ko tuloy natapos sasabihin 'ko.

Aalis na sana ako nang buksan niya ang pintuan. It feels like I'm going to melt when she smiled. Pinahiram ko siya ng itim na t-shirt ko at sweat pants at ang luwag-luwag lahat no'n sa kaniya. Pero cute naman siya kaya okay lang.

"Good night, 'di ko kasi narinig kaagad, e." Nakangiting aniya.

Linabanan ko ang sarili kong ngumiti. But I couldn't help it. I reached my hand towards her head and gently patted it. "Sleep well,"

Nahalata kong natigilan siya doon. "Uh, sige sleep well na rin sa 'yo. Ikaw may-ari ng bahay na 'to, e."

Napatango-tango ako. Ah... her voice sounds so good. Mas maganda 'yung ganitong malambing pakinggan ang boses niya.

I went back to my room. Maghahanda nang matulog. My heart felt nice, it felt so light... and I know exactly why I feel that way. Because I know she's just inside of this very house. Malayo man kami sa isa't-isa, alam kong nandito siya.

The next thing I know, nakatulog na ako.

Napadilat ang mga mata ko nang makarinig nang katok mula sa pintuan. Nakayakap pa ako sa unan ko at ang kumot ko ay nakabalot hanggang bewang ko. Magmumura na sana ako nang maalala kong may kasama nga pala ako dito! Si Kaiah nga pala!

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now