Chapter 40

60 21 3
                                    

KAIAH

Pareho na naming napag-usapan ni Jaxon ang tungkol sa isa't-isa. We first had to settle our relationship and leave out the people who could lessen our trust with each other. Kaya naman alam niya 'yung kay Leo, at alam ko na rin ang tungkol kay Janni. He told me everything I needed to know and it pushed all my worries about it. Humingi rin iya ng "sorry" nang dahil sa nangyari sa birthday party niya. Hindi niya naman daw sinasadiyang sabihin 'yon, nahihirapan lang din siya sa sitwasyon.

"One year, huh?" Tanong ko nang may halong sarkastiko. Kakasabi lang niya sa akin na isang taon pagkatapos naming mag-break saka niya nakilala si Janni. "Ah kaya pala alam niya palang ako 'yung ex? Ang sama-sama pa ng tingin sa 'kin! Siguro masama pinagsasabi mo tungkol sa 'kin 'no?" Kunwari akong nagbibiro pero para akong kinakain ng selos. Linulunok ko na lang.

"Oy! Never akong nagsabi ng masama tungkol sa 'yo!"

"Kasama nu'ng senior high?" Tinaasan siya ng kilay.

Talo siyang ngumiti. "Syempre iba 'yon, nagsisimula pa lang tayo no'n eh."

I was assuming Janni and Jaxon were close enough since they said good night to each other. Hindi raw alam ni Jaxon kung bakit 'yon ginawa ni Janni.

Janni owns a business and that's how they met. He didn't explain all the details but I learned from him that they collaborated once for a project. Tinulungan siya ni Jaxon, and that's how it started.

To be frank, yes. I'm jealous. Sa panahong wala ako, nakakilala siya ng babaeng katulad niya. They work in the same field, naiintindihan nila ang isa't-isa. At lahat ng 'yon ay nangyari noong wala ako. Medyo naiinggit lang ako nang konti doon. Pero kung iisipin, gano'n din naman kami ni Leo. Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang ginagawa namin kaya naman naniniwala akong gano'n din ang nararamdaman ni Jaxon.

I wore a pastel pink white long-sleeved blouse and beige high-waisted lose slacks for work.

Hindi kami sabay papasok ngayon ni Jaxon dahil mayroon siyang business meeting that he needs to attend early on. Ako naman ay may mga projects pang inaasikaso. Madalas ay hinahatid na ako ni Jaxon sa trabaho dahil halos tumira na ako dito. Ngayon lang kami hindi makakapagsabay dahil sa business meeting niya.

I want to blame that damn business meeting, joke. 'Di ko tuloy makakasabay bebe ko.

Pagkarating ko sa office, nadaanan ko rin ang office ni Ron. Mayroong window doon kung saan nakita ko siya. He also saw me so I waved at him, he waved back and smiled at me too.

Hindi ko alam kung alam niya nang nagkabalikan na kami ni Jaxon. Pero for sure ay sunod-sunod na pang-aasar na naman ang ibibigay niya sa 'kin. Subukan lang niya! Baka asarin ko siyang hinarot niya 'yung kaibigan ko.

Pumasok na ako sa office ko. Binaba ko lang ang gamit ko sa sofa area and then I opened my computer. Pero bago pa ako magbukas mg software, tinignan ko muna ang phone ko. Umaasang may text siya sa akin.

Nagliwanag naman ang mata ko.

Hm! Meron nga!

Paunti-unting lumabas ang ngiti ko habang tinatago ang kilig ko.

From: Jaxon

Babeee sorry di tayo sabay ngayon ah? Chat mo lang ako kapag kakain ka na, para sabay tayo

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now