Chapter 31

53 18 0
                                    


KAIAH

Sinungaling ka!

"So sir, ito ba talaga ang lote na gusto niyong pagtayuan?" Tanong ko sa kaniya. Sa isip-isip ko ay inis na inis ako sa pagmu-mukha niya. Habang tinitignan ko siya ngayon, napapansin ko na mukhang tuwang-tuwa siya at naisahan niya ako. Hindi ko talaga inaakalang siya pala ang client ko.

Bwisit na 'to. Wala man lang two years and still you? Trabaho kaagad?! What happend to "hello's"?!

"Oo, strategic kasi ang lugar na 'yan. Malapit pa sa mga mall at mga bilihan, paniguradong gusto ng mga tao na diyan mag stay."

"How ironic," umirap ako. Buti pala sila marunong mag-stay.

Talagang hindi na ako nahiya sa iisipin niya sa akin. At parang hindi ko na rin kontrolado itong nakikilos ko. Hindi ko naman sinadiyang irapan siya! Bigla na lang talaga akong napairap. Naninibago pa rin ako sa presensiya niya. Na pagkatapos nang matagal na panahon, nakita ko ulit ang mukha niya.

He's still so handsome. Titignan ko lang amg mukha niya, naagaw niya na ang mata ko nang ilang minuto.

Tinaasan niya ako ng kilay. Ano?! Hinahamon niya ba ako?! "May sinasabi ka ba?"

Napaangat din ang kilay ko. 'Di ko inaasahang mapapakagat pala siya sa pag iinarte ko. "Wala, sir. Wala akong sinasabi."

Meron! Bakit ka sinungaling ha?! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?!

"Mukhang hindi sang-ayon 'yang mga mata mo. Kanina pa ako iniirapan,"

Ngumiti ako ng peke. "Grabe naman 'yon sir, pati pala talukap ko kailangan na ring pakielaman. Pakielamero ka?" Tanong ko na para bang walang malisya. Napaawang naman ang labi niya sa ginawa ko.

"Engineer Verde," tumalim ang pagtawag niya sa pangalan ko. Napansin kong mas lalong sumeryoso tignan ang mukha niya. Mukha na siyang mangangagat ka pag seryoso siya.

"Yes?" Mataray ko pa rin na tanong.

Sumandal siya sa upuaan niya at pinagkatitigan ako. "Bakit parang ang taray-taray natin ngayon?"

"May dahilan ba para magtaray ako?" Mas inilapit ko ang sarili ko. I leaned over to the table and crossed my arms. "May dahilan ba para umakto ako nang ganito, ha?"

Mukhang hindi 'yon nakakuha nang reaksyon sa kaniya. "Wala naman. Meron ba dapat?"

Aba tangina mo, putangina mo‐--

"Ma'am, sir, desserts?"

"No---"

"Yes, gusto ko 'tong blueberry cheese cake please." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sabayan ako ni Jaxon, nag-turo siya sa menu. "Oh, at gusto ko rin pala nitong mango shake. Mukhang masarap e," nagukat ako nang maging sobrang sweet at friend na ang tono ng boses niya. Samantalang sa akin ay kulang na lang ay lapain niya ako.

Napating naman ako sa babae na mukhang nakakita na ng artista kung makatitig sa ex ko.

"Gusto mo ba?"

Napalingon ulit ako kay Jaxon nang magsalita siya. Gusto ko ba?! Fuck you, bro! Paliwanag mo muna kung bakit hindi mo ako binalikan!

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now